Kabanata 56

35 2 3
                                    

KABANATA 56. ( READ THIS HABANG NAKIKINIG NG GOT7 TO STAR. )

JINYOUNG'S POV.

"Anong sabi mo?" Saad niro habang nakatingin saken. Mapungay ang mga mata nito na nakatingin saken, halos magkalapit ang mukha namin kay medyo lumayo ako pero bigla n'yang hinawakan ang pisngi ko.

"Alam mo.. May pagkakahawig kayo ni PJ pero malayo ang ugali n'yong dalawa.." saad nito pero lasing ang tono ng boses nya dahil nga lasing ito.

Hindi ako nagsasalita at hinahayaan ko lang itong magsalita.

"Sobrang layo ng ugali niyo.. ikaw kasi masyado kang masungit saken hehehe.. tapos inaaway mo pa ako.. lalo na yang ex girlfriend mo.." saad muli nito at bigla din itong sininok. "Kahit na kasalanan nya kinakampihan mo pa.. Alam mo naman siguro na nagsisinungaling sya di ba? Kaya mabuti na lang wala na kayong dalawa.. ang sama ng ugali ng ex girlfriend mo, lagi na lang nya akong sinusunbong sayo... lagi na lang ako ang may kasalanan kahit na sya ang nag uumpisa... tapos ikaw.. ikaw.. naniniwala ka naman sa kanya.." saad muli nito. Binitawan na nya ang pisngi ko pero nagsasalita pa din ito. " Sa tingin mo, pagpapatuloy ko pa ba ang paghahanap kay PJ? Bakit kasi ayaw pa nya pag pakita saken eh... miss na miss ko na sya, alam mo ba Jinyoung, sya lang ang taong minahal ko simula nung mga bata palang kami... kaso.. iniwan nya ako eh.. iniwan nya ako ng hindi sya nagpapaalam saken.. sabi nya walang iwanan pero, iniwan nya ako.. Pero okey lang.. hindi naman ako galit sa kanya eh.. naiintindihan ko si PJ kasi mahal na mahal ko yun eh kaso baka may mahal ng iba yun baka nga may pamilya na yun eh.. Pero kung nasaan man sya ngayon sana masaya na sya, kung may pamilya na sya sana masaya sila..."saad ni Leslie pero ngayon meron ng mga luha sa mata nito.

Humarap ito saken ng nakapikit at may luha sa mata nito.

"Ang sakit sakit ng ginawa nya saken.. nasasaktan ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya makita.. gustong.. gustong.. gusto ko na sya makita, gusto ko na s'yang mayakap.. Jinyoung sa tingin mo ba, hinahanap nya ako? Mahal nya din kaya ako?" Saad nito pero nakapikit lang ito.

"Ah.. oo naman, hinahanap ka nun kasi nga importante ka sa kanya at importante din sya sayo. Mahal ka nun, hindi mo lang alam pero mahal na mahal ka nun. Malay mo, isang araw bigla na lang s'yang magpakita sayo." Saad ko. Tumingin ako dito pero natulog na muli ito.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata nito. Sorry kung nasaktan kita.

Akala ko ay malalaman na ni Leslie ang katotohanan ngayong gabi. Lalo akong nagkaroon ng pag asa na sabihin na sa kanya ang katotohanan.

Sa hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako sa tabi ni Leslie. Dahil inaantok na din ako at hindi ko na kayang umuwi pa.

LESLIE'S POV.

Bakit parang may mabigat na nakapulupot saken at bakit parang ang init ng unan na yakap yakap ko. Kaya naman minulat ko ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko, si Jinyoung nakayakap saken habang natutulog kami sa iisang kama? Anong nangyari kagabi? Bakit sya ang kasama ko? Nasaan si Alex?

Kaya naman dahan dahan kong inalis ang kamay ni Jinyoung na nakayakap saken. Pero habang inaalis ko ay lalo nya itong hinigpitan ang yakap kaya naman napaharap ako sa kanya at sobrang lapit ng mukha namin. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng tunog. Sinubukan ko ulit tanggalin ang kamay nito at buti na lang ay natanggal ko, pagkatanggal ko ay dahan dahan akong lumayo kay Jinyoung baka kasi bigla na naman itong mangyakap. Tumayo agad ako at dahan dahan din akong naglakad palabas ng pinto at dahan dahan ko itong isinara.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon