Kabanata 66.

33 2 5
                                    

KABANATA 66.

JACKSON'S POV.

Kasama ko si Alex ngayon at nandito kami sa SM at tama nga sila, isang mall pala ang SM dito.

"Oh ngayon alam mo na kung ano ang SM dito sa pilipinas? HAHAHA!!.." pang aasar pa ni Alex habang naglalakad kami. Tumigil ako at nag pout habang ito Nag dere-deretso sa paglakad. Tumingin ito saken ng nakangiti.

"Bakit? May problema ba?" Saad nito.

"Pinagtawan mo kasi ako. Malay ko ba na mall pala ang SM dito sa pilipinas." Saad ko dito na kung wari ay nagtatampo.

Lumapit ito saken at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo.. ang arte mo. Mas maarte ka pa saken. Tara na nga baka mamaya may makakita pa sayo dito at pagkaguluhan ka." Saad nito at hinila ako nito. Kaya nama  tumingin ako sa kaliwa at kanan ko baka kasi may makakita saken. Umalis na kami ni Alex kung saan kami nakatayo kanina.

Habang naglalakad kami ay bigla akong nilagyan ng cap ni Alex kaya naman tumingin ako dito at isinuot nya saken ang mask na black.

"Para hindi ka makilala, ayokong pagkaguluhan ka gusto ko saken ka lang, okey?" Saad nito habang inaayos ang mask at cap na sinuot nya saken.

Ngumiti ito ng matapos nya itong ayusin.

"Okey na." Saad nito at tumingin ito sa paligid kaya naman tumingin din ako sa paligid. Kanina ay pinagtitingin kami dahil siguro ay nakikilala nila ako.

Maya maya pa ay hinila na ako ni Alex papunta sa isang restaurant at pumasok kami dito.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito saken.

"Ahmmm... kung ano yung kakainin mo, yun na din yung akin." Saad ko dito.

"Okey.. ahm.. hanap ka na ng upuan natin." Saad nito habang nakangiti.

Kaya naman umalis ako sa pila kung saan na order ng pagkain at naglakad ako para makahanap ng upuan. Nakakita na ako kaya nama  umupo na ako.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Alex na may dalang tray na may pagkain.

Nang matapos na kaming kumain ay napag desisyunan namin na bumalik na sa bahay nila Leslie at Jinyoung dahil gabi na at medyo malayo itong mall sa bahay nila Leslie.

Nakarating na kami sa bahay at naabutan namin  silang nakain. Kaya naman umupo kami sa dining.

"Kamusta ang date? Teka.. kumain na ba kayo?" Saad ni Leslie.

"Yes.." Saad ni Alex.

"Masaya.. at ngayon alam ko na kung ano ang SM dito sa pilipinas." Saad ko.

"Buti hindi ka pinagkaguluhan sa Mall. Alam mo ba na madaming AHGASE dito sa pilipinas?" Saad ni Jinyoung.

"Kaya nga salamat kay Baby girl ko kasi tinago nya ang mukha ko kanina.. niligtas nya ako." Saad ko sa mga ito.

"Kasi naka hoodie lang sya kaya buti na lang dinala ko yung cap at mask ko.." Saad ni Alex at sabay hikab.

Mukhang napagod ang girlfriend ko. Kaya naman lumapit ako dito at hinawakan ang balikat nito.

"Tara tulog na tayo.." Saad ko dito. Kaya naman tumayo na ito at nagpaalam na sa dalawa.

"Sige mauna na kami sa inyo. Inaantok na kasi ako eh. Good night.." Saad nito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon