Kabanata 90

16 1 10
                                    

KABANATA 90.

LESLIE'S POV.

Nakain na kami ng breakfast at kasama namin sila Jackson at Alex na nakain.

Habang nakain kami ay may tumawag kay Jinyoung.

*ring tone*

Tumayo ito para sagutin ang cellphone nya.

"Excuse me." Saad nito at lumayo ito samin ng bahagya.

"Sino kaya yun?" Saad ni Jackson.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.

Maya maya pa ay bumalik na si Jinyoung at umupo na.

"Sorry for that. Uhm.. nakalimutan ko na ngayon pala ang start ng shooting namin." Saad nito at nagmamadaling kumain.

"H-huh? Pero Jinyoung may date tayo mamaya." Saad ko.

"Yeah I know. Matutuloy yun, baby. Kailangan ko ng magmadali." Saad nito at nagmamadali itong ininom ang kanyang tubig tsaka ito umakyat sa taas.

"Okey ka lang?" Saad ni Alex.

"Yeah. Excuse me." Saad ko ng nakangiti. Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto namin ni Jinyoung.

Naabutan ko itong basang basa ang buhok na parang kakatapos lang maligo. Nag lalagay din sya ng gamit nya sa bag nya kaya naman lumapit ako dito at tinulungang mag impake.

"Sige na, mag ayos ka na. Ako na ang mag aayos ng gamit mo" saad ko dito ng nakangiti.

"Thank you." Saad nito. At pumasok ito sa walk in closet namin at nagbihis na. Paglabas nito ay nakaayos na ito.

Nakaayos na din ang mga gamit na dadalahin nya.

Nakaupo ako sa kama habang pinagmamasdan itong nagsusuot ng sapatos.
Maya maya pa ay tumayo na ito at kinuha na ang bag nya sabay lumapit ito saken at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"I'm sorry, promise matutuloy ang date natin mamaya. See you later, baby." Saad nito at hinalikan ako nito sa noo.

Sabay kaming bumaba ni Jinyoung para ihatid ito sa labas ng Mansion.

"Ingat ka sa pagmamaneho." Saad ko dito at sumakay na ito sa sasakyan nya pero bago ito sumakay ay binigyan nya ako ng isang halik sa labi.

"I will. See you later. I love you, baby." Saad nito.

"I love you too." Saad ko at nag wave na ako dito para mag paalam. Ngumiti ito saken tsaka ito umalis.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Mukhang ito na ang simula." Saad ko sa sarili ko tsaka ako pumasok sa loob ng mansion.

Umupo ako sa sofa sa Living area at sumandal sa sandalan nito.

Lumapit saken si Jackson at Alex at umupo sa tabi ko.

"Okey ka lang ba?" Saad ni Alex. Alam kong nag aalala si Alex at Jackson saken.

Ngumiti ako tsaka ako sumagot.

"Oo naman." Matipid kong saad.

"Mukhang mahihirapan ka sa magiging sitwasyon nyo ni Jinyoung." Saad ni Jackson.

"Shh.. Honeypie wag ka nga magsalita ng ganyan. Beshy, wag mong isipin ang sinabi ni Jackson. Ganun talaga, kailangan mo lang maghintay hanggang sa matapos ang trabaho ng Fianceè mo." Saad ni Alex. Alam kong pinalalakas lang ni Alex ang loob ko.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon