Kabanata 99

11 2 6
                                    

KABANATA 99.

JINYOUNG'S POV.

Sobrang ganda ng lugar na ito, parang isang tagong paraiso and lugar na ito. Tahimik, malinis, presyo ang hangin, madaming halaman at may isang malaking bahay ang nakatayo dito.

Habang nakayakap ako kay Leslie ay dumating sila Mommy at Daddy Cabral.

"So, nagustuhan nyo ba ang lugar na ito? Itong lugar na ito ang pinupuntahan namin kapag kailangan namin magpahinga. Kaya namin kayo dinala dito dahil gusto kong masilayan nyo ang napakagandang lugar na ito. Oo, mayaman kami pero hindi namin ginagamit ang yaman namin para lang sa mga luho namin, gumagawa kami ng kabutihan sa kapwa natin tao. Dito kami nagsimulang tumulong sa lugar na ito kaya naman gusto namin bago ikasal ang nag iisang anak namin ay gusto namin na dito sila magsimula bilang isang mag asawa. Masaya ako dahil may mga kaibigan ang anak ko bukod kay Alex kaya salamat dahil sumama kayo dito." Saad ni Daddy.

"Isa pa, ituring nyo itong lugar nyo din. Welcome kayo dito anytime kung kelan nyo gusto pumunta pwede kayo dito." Saad ni Mommy.

"Uhmm.. Mr. And Mrs. Cabral, maraming maraming salamat po dahil inimbitahan nyo po kami dito. Talaga nga pong nagmana ng kabutihan si Leslie sa inyo." Saad ni Jaebeom hyung.

"Oo nga po. Maraming salamat po sa inyo, kung hindi po namin nakilala si Noona siguro po hindi po namin mararating ang lugar na ito." Saad ni Yugyeom.

"You're welcome guys.. So, meron tayong mga housekeeping dito at sila ang magdadala ng mga gamit nyo sa mga rooms nyo kaya naman sundan nyo sila." Saad ni Mommy.

Pagkasabi ni Mommy ng mga salitang yan ay dumating na ang mga housekeeping at kinuha na ang mga gamit namin.

Kaya naman sumunod na kami sa kanila pero bago kami ni Leslie sumunod ay kinausap ko muna sila Mommy at Daddy.

"Mom, Dad, hindi po ba kayo magpapahinga?" Saad ko.

"Sige na, maglalakad lakad muna kami ng Mommy nyo. Minsan lang kami ulit pumunta dito kaya susulitin na namin ang bawat oras." Saad ni Daddy at tinapik ang balikat ko.

"Mom, Dad ingat po kayo." Saad ni Leslie.

Kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay.

Pagpasok namin ay hinatid samin ng housekeeping ang magiging kwarto namin ni Leslie.

Agad naman kaming pumasok ni Leslie sa kwarto at iniwan na kami ng housekeeping.

Nasa balcony si Leslie at tinitignan ang magandang tanawin dito.

Malapit kami sa beach at kita mula sa kwarto namin napakagandang tanawin.

Maluwag ang kwarto na ito at may isang malaki at malambot na kama, meron din sofa at may isang T.V. meron ding ilang mga halaman dito kaya preso tignan.

Nilapitan ko si Leslie at niyakap ito mula sa likod nito.

"Napakaganda ng lugar na ito. Hindi ko akalain na may ganitong kaganda pa palang paraiso." Saad ko kay Leslie.

"Bata pa lang kami ni Alex ay palagi kaming napunta dito at wala paring pinag bago ang lugar na ito, maganda pa rin ang buhay na buhay pa rin ang mga puno at iba pang halaman dito." Saad nito habang nakatingin sa view.

"Bagay sayo ang lugar na ito." Saad ko dito kaya naman humarap ito saken.

"Bakit?" Saad nito habang nakakunot ang noo nito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon