Kabanata 78

21 1 7
                                    

KABANATA 78.

Nandito na ako sa Company, kasama ko si Jinyoung dahil gusto n'yang sya ang kasama ko.

Nasa office kami ngayon, nakaupo ako sa office chair ko samantalang si Alex, Jinyoung at Jimin ay nasa sofa nag kukwentuhan. Alam kong hindi maganda ang pakiramdam ni Jinyoung kay Jimin at nararamdaman ko yun.

Hinayaan ko lang sila dahil hindi pa ako tapos magbasa ng reports na dapat ay kahapon ko pa tinapos.

Maya maya pa ay lumapit saken si Alex habang nagbabasa ako.

"Beshy." Saad nito kaya tumingin ako dito.

"Yes?" Saad ko kay alex at binalik ko ang tingin ko sa binabasa ko.

"Ang ShinWa Group nandito na sa Company. Sa conference room ko na sila dadalahin." Saad ni Alex.

Tumingin ako sa relo na nakasuot sa wrist ko.

"12:26 pm na pala. Okey sa conference room na lang and pakisabi kay Jimin na sabihin kay Clare na mamayang 1:00 pm magdala ng coffee sa conference room." Saad ko dito.

"Okey.. be ready beshy, good luck." Saad ni Alex ng nakangiti.

"Thanks Lex, sige na mag aayos lang ako saglit tapos susunod na ako sa conference room after 5 minutes." Saad ko kay alex ng nakangiti.

"Okey.. Jimin let's go." Saad ni Alex at naglakad na sila palabas ng office ko at inayos ko na din ang mga papers na nakakalat sa table office ko. Habang nag aayos ako ay lumapit si Jinyoung saken.

"Hey! What happen?" Saad ni Jinyoung.

"Nasa conference room na kasi ang ShinWa group eh. Kailangan ko ng pumunta doon." Saad ko habang nag aayos ng sarili ko. Kinuha ko na yung bag ko at maglalakad na sana ako palabas pero hinawakan ni Jinyoung ang kanang kamay ko at hinila papalapit sa kanya kaya naman magkalapit ang mukha namin.

Hinalikan ako nito sa labi ko.

"Lucky charm." Saad ni Jinyoung sabay ngiti saken. Kaya naman pinisil ko ang pisngi nito.

"Ikaw talaga ang dami mong alam.. gusto mo bang sumama?" Saad ko kay Jinyoung.

"Dito na lang ako sa office mo. Hihintayin na lang kita dito, fighting, hon." Saad ni Jinyoung.

Kaya naman lumabas na ako ng office ko at naiwan si Jinyoung sa loob ng office ko.

Nag lakad na ako papunta sa conference room at pumasok na. Pagpasok ko nandito na silang lahat at nakahanda na ang lahat kaya naman binati ko muna sila at nakipag kamay sa mga ito.

Nag umpisa na kaming mag meeting. Sana ay makuha namin ang YES nila.

JINYOUNG'S POV.

Kahit gustuhin ko man sumama kay Leslie para panoorin sya makipag meeting ay mas pinili ko na lang na maiwan dito sa office nya.

Umupo ako sa office chair ni Leslie. Nakita ko ang picture naming dalawa nung mga bata pa kami, napangiti ako dahil hanggang ngayon ay nasa kanya pa ang kauna unahang picture naming dalawa. Sa kabilang banda naman ng table ni Leslie ay ang litrato naming dalawa nung nag punta kami sa Amusement Park.

Habang tinitignan ko ang mga nakalagay sa Table ni Leslie ay naagaw ng pansin ko ang cellphone ni Leslie na umilaw at tumunog. Kaya naman kinuha ko ito at isang message na number lang ang lumabas kaya naman binasa ko ang message na nakasaad.

"Hindi ko pa ngayon ipaparamdam sayo ang paghihiganti ko... mag hintay ka lang dahil sisiguraduhin kong masasaktan ka sa paghihiganti kong gagawin sayo.." Saad sa message na binasa ko.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon