Kabanata 21

43 2 0
                                    

KABANATA 21 : JINYOUNG THE JEALOUS BOY..

BUMALIK ako sa realidad ng may pumasok sa loob ng kwarto ko kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga at napaupo sa kama. Nakakagulat naman ito si Youngjae.

"Natutulog ka ba? Babalik na lang ako mamaya." Saad ni Youngjae at aktong lalabas na ng kwarto pero pinigilan ko ito.

"Ah..ah. Hindi, hindi ako natutulog. May kailangan ka ba?" Saad ko. Kaya naman bumalik muli ito sa kwarto at naglakad sya papunta sa kama ko at umupo sa tabi ko.

"Hmmm.. malapit na ang GDA di ba?" Saad nito. Oo nga pala next week na yun kasi 1st day of month ang GDA.

"Oo nga pala. Bakit ?" Tanong ko.

"Pwede mo ba akong tulungan?" Saad nito at nag puppy eyes pa. Parang bata haha.

"Sige, ano bang maitutulong ko?" Tanong ko.

"Tulungan mo akong bumili ng susuotin ko sa GDA." Saad nito.

"Huh? Di ba may stylist naman kayo ? Tsaka di ba may mga damit na kayong nakahanda para dun?" Saad ko dito. Nagtataka lang ako.

"Oo nga may stylist kami pero kami din ang bibili ng damit na gagamitin namin, gusto kasi namin yung babagay talaga samin." Saad nito. Eh?

"Sila? Meron na ba silang damit?" Tanong ko.

"Yep. Lahat sila meron ng susuotin sa GDA except me.. ako na lang ang walang susuotin kaya naman magpapatulong ako sayo kasi babae ka at pag babae maraming alam pag dating sa pagpili ng damit." Saad nito.

"Huh? Bakit ako? Pwede naman sigurong si Eonnie Jane kasi siya yung stylist nyo." Saad ko.

"Hays... busy kasi sya eh. Tsaka ikaw yung gusto kong kasama bumili ng damit kasi parang sanay ka sa pagpili ng damit eh." Saad nito ng nakadikit parehas ang mga kamay na parang nag mamakaawa. Aish.

"Sige na nga... teka kailan tayo bibili ng damit mo?" Saad ko.

"Ngayon na. Tara na hihintayin kita sa baba. Bye." Saad nito at tumakbo na sa baba.

"Ngayon na? Tsk. Hindi man lang nagpasalamat." Saad ko sa sarili ko.

Nag ayos na ako, nag rippe jeans at sweatshirt lang ako na puti na plain at naka sneaker lang din ako. Naglagay lang ako ng Liptint at BB Cream sinamahan ko na din ng powder, inayos ko din yung buhok ko, sinuklay ko lang ito at nakalugay lang sya. Nang makuntento na ako sa itsura ko ay bumaba na ko, naka backpack din ako na maliit dahil tamad akong humawak ng mga gamit ko kaya nagdadala ako ng backpack.

Pagbaba ko ay nakain sila at si Youngjae ay nakaupo sa sofa, siguro ay hinihintay ako. Naagaw ko naman ang atensyon nilang lahat dahil ngayon ay nakatingin silang lahat saken.

"Wow noona!! Ang ganda mo." Saad ni Yugyeom. Tinapik naman sya ni BamBam.

"May date ka ba ngayon noona?" Saad muli ni Yugyeom pero ngayon ay binatukan na sya ni JB. Grabe sila sa MAKNAE nila.

"Ah.. Hindi ako makikipag date. Nagpapasama kasi saken si--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Youngjae.

"Tara na les." Saad ni Youngjae.

"Teka..teka.. saan kayo pupunta huh? Youngjae saan mo dadalhin si Leslie?" Saad ni Jinyoung.

"Sya ba ang ka date mo Leslie?" Saad naman ni Jackson.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon