Kabanata 61.

34 1 3
                                    

KABANATA 61.

JINYOUNG'S POV.

Tumakbo si Leslie palabas ng office ng malaman nya na ako at si PJ ay iisa. Alam kong mangyayari ito at gaya nga ng inaasahan ko ay nasaktan ko si Leslie.

"Excuse me po. Susundan ko lang po si Leslie." Saad ni Alex. Pero pinigilan ko ito.

"Ako na." Saad ko at tumakbo ako palabas ng office hanggang sa makalabas ako ng Building.

Nang makalabas ako ng Building ay saktong nandito pa yung sasakyan na dala namin kanina kaya naman hiniram ko muna ito sa driver namin at tsaka ko ito pinaandar.

Nalingon ako sa kanan at kaliwa ko baka sakaling makita ko sya. Pero nabigo ako sa paghahanap kay Leslie, pero yung kamay ko ay parang may sariling isip at parang dinadala ako nito papunta sa park.

Nang makarating ako sa park ay tiningnan ko ang paligid baka makita ko si Leslie dito at bigla naman umulan kaya medyo na lumabo ang salamin ng bintana ng sasakyan ko. Pero meron akong naainag na tao sa hindi kalayuan at malapit ito sa Swing dito sa park ng hawiin  ko ang salamin ng sasakyan ay tsaka ko lang nakita ng malinaw kung ano yung maaninag ko. Kaagad kong tinanggal ang seat belt at bumaba agad ako kahit naulan dahil nakita ko kung sino ang nasa ulanan at nakaupo ito sa damuhan. Tumakbo agad ako para puntahan ito at habang natakbo ako palapit dito ay dahan dahan na itong bumagsak sa damuhan.

Nang makarating ako dito ay agad ko itong binuhat na parang bride pero bago ko ito buhatin ay may sinabi ako kay Leslie.

"Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sayo kaagad. Patawarin  mo ako..." saad ko kay Leslie. Pagkasabi ko nun ay binuhat ko na ito papunta sa kotse at para iuwi sa Mansion nila.

Pag dating namin sa Mansion nila ay binuhat ko muli si Leslie at pumasok na kami sa loob ng Mansion nila. Basang basa kami nang pumasok kami sa loob ng Mansion. Alam ko kung saan ang kwarto ni Leslie kaya naman dinala ko na ito sa kwarto nya dahil baka mag kasakit pa si Leslie.

Inihiga ko si Leslie sa kama nya dito sa loob ng kwarto nya. Buti na lang may Maid na nakasunod samin pagpasok namin dito sa loob ng kwarto. Kaya naman inutusan ko ito.

"Ah. Pwede bang paki kuha ako ng maliit na lalagyan na may lamang towel at medyo mainit na tubig at alcohol?" Saad ko sa katulong nila dito sa mansion.

"Opo sir." Saad nito at lumabas na ito ng kwarto ni Leslie. Ako naman ay pumunta sa walk in closet ni Leslie para kumuha ng damit para palitan ang suot nito.

Nang makapasok ako ay agad kong hinanap ang pang tulog nitong damit at under wear. Nakakahiya man na hawakan ko ang under wear ni Leslie pero wala akong magagawa dahil kailangan ni Leslie magpalit ng damit.

Paglabas ko ng closet ni Leslie ay saktong dumating ang maid nila.

"Sir, ito na po yung pinapakuha nyo." Saad nito. Kaya naman kinuha ko ito at inilagay sa maliit na table na katabi ng kama ni Leslie.

Kinuha ko ang towel at piniga ito tsaka ko ito ipinunas sa katawan ni Leslie. At inusap ko ang maid na pakitawagin si Manang Tessie para tulungan akong palitan ng damit si Leslie. Maya maya pa ay dumating na si Manang Tessie.

"Talagang hindi ka pa rin nagbabago, PJ. Inaalagaan mo pa rin si Leslie kahit na nasa tamang edad na kayo." Saad ni Manang Tessie at umupo ito sa kama kung saan nakahiga si Leslie.

"Manang, handa ko pong gawin ang lahat para kay Leslie. At hinding hindi po ako magbabago para sa kanya. Mahal na mahal ko po si Leslie kahit na galit ito saken." Saad ko may manang.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon