Kabanata 39

34 4 17
                                    

KABANATA 39.

Nandito na ako sa N tower kung saan kami magkikita ni Nayeon. Gabi na din kaya wala ng gaanong tao dito, naka mask at cap ako para kahit papaano ay walang makakilala saken habang naghihintay ako dito. Naulan na ng snow pero wala pa din si Nayeon, tiningnan ko ang relo ko at 11:34 pm na ng gabi ay wala pa rin si Nayeon.

Maya maya pa ay dumating na si Nayeon. Naka mask din ito kaya hindi kami makikita  ng mga tao.

"Let's go." Saad nito at hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinila.

"Saan ba tayo pupunta? Ano bang kailangan mo?" Tanong ko dito. Pero hindi nya ako sinagot hanggang sa makasakay na kami sa dala n'yang sasakyan.

Nag makasakay na kami ay pinaandar na nya agad ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa dito sa loob ng sasakyan. Maya maya pa ay nagsalita na ito.

"Ready ka na ba?" Tanong nito habang nakangiti pero sa kalsada ito nakatingin.

"Para saan?" Saad ko dito ng walang kabuhay buhay.

"Malalaman mo mamaya." Saad nito. Tumingin ako sa kanya at saktong nakatingin ito saken na nakakagat labi kaya iniwasan ko ito.

Habang nasa byahe kami ay madami kaming na dadaanan na Hotel. Tumingin ako dito at tinanong ito.

"Anong ginagawa natin dito? Bakit puro hotel ang nakikita ko dito?" Tanong ko dito.

"Malalaman mo mamaya. Kung gusto mong iwasan at layuan ko ang P.A nyo, sumunod ka na lang sa sasabihin ko." Saad nito ng may nakakalokong ngiti. Mukhang alam ko na ang binabalak nito.

Maya maya pa ay tumigil na ang sasakyan sa isang tapat ng hotel. Mataas ang hotel na ito pero bakit kailangan nandito kami.

"Let's go. Pasok na tayo." Saad nito. Pinulupot nito ang braso nya sa braso ko at hinila papasok sa loob ng hotel. Naka check in na sya kanina pa bago kami dumating, may dala din itong mga inumin.

Nakarating na kami sa kwarto. Umupo ako sa isang sofa at kumuha ng dala nitong inumin at ininom ko. Nagulat ako ng umupo si Nayeon sa hita ko.

"Anong ginagawa mo?" Saad ko dito ng may pagkagulat.

Pinulupot nito ang kanyang mga kamay sa aking batok at tumingin saken na halos magdikit na ang mga mukha namin.

"Wag kang mag alala. Pagkatapos nito wala na akong pakialam sa inyo. Pagbigyan mo lang ako." Saad nito. Nagulat muli ako sa sunod na ginawa nito, hinalikan nya ako sa labi pagkatapos ay unti unti n'yang tinatanggal ang kanyang mga suot. Hindi ako na tugon sa mga halik nito dahil alam kong mali ang ginagawa namin at ayokong magkasala kay Leslie.

Hindi pwedeng may mangyari samen ni Nayeon ngayong gabi. Ayokong mawala ang lahat saken sa isang pagkakamali ko lang. KAYA naman tumayo ako sa kinauupuan ko, napatayo din si Nayeon at tila nagulat sa ginawa ko. Naiinis ako sa sarili ko, mali ito.. mali itong nangyayari ngayon. Napasabunot ako sa buhok ko tsaka ako nagsalita.

"Nayeon ano ba? Ano bang problema mo? Ito ba ang gusto mong solusyon para layuan mo si Leslie?" Saad ko pero pasigaw kasi naiinis ako sa sarili ko at kay Nayeon. Nagagalit  na din ako.

"Oo ito nga. Ito ang gusto ko, alam mo kung bakit? Dahil pag nakuha ka na nya saken hindi na kita makukuha pa. KAYA ito ang gusto ko.. Ito... ito..Ito lang." Saad nito na medyo pasigaw na din.

"Bakit ba ayaw mo na lang tigilan si Leslie? Hindi ko kaya ang gusto mong mangyari, isa pa bawal ito sa company natin. Natatakot akong mawala ang lahat saken ng dahil lang sa isang pagkakamali.  Ano bang gusto mo para layuan mo ang taong mahal ko?" Saad kong muli na pasigaw.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon