Kabanata 42

29 3 3
                                    

KABANATA 42.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil malayo ang pupuntahan namin para sa photo shoot ng mga boys para sa Magazine nila. Dahil sa sobrang aga namin nagising ay nakatulog na yung iba. Katabi ko si Yugyeom at Mark, nasa gitna nila akong dalawa. Paniguradong nakaka pagod itong araw na ito para samin.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa venue kung saan sila mag po-photoshoot. Lately naging busy kami dahil bukod sa pag promote nila ay kabi-kabilang guesting, T.V shows at Fan meeting. Sa susunod na buwan ay may Award nights na naman kaming pupuntahan. Hays.

Nandito na kami sa venue. Kaya naman nagising na sila at bumaba na, sobrang lamig ngayon dahil nga malapit na mag pasko kaya naulan na ng snow dito.

Pagbaba namin ay dumetretso na kami sa loob ng parang isang bodega na Studio type sya. Inilabas na namin ni Unnie Jenny ang mga gamit at damit na gagamitin nila mamaya, inaayusan na sila kaya kami ni ate Jenny ay nandito lang din sa loob nakaupo. Lumapit samin si Manager KIM.

"Gusto daw mag kape ng mga alaga natin. Pwede bang bumili kayo?" Saad ni Manager KIM.

"Sige." Saad ni Unnie Jenny.

"Sasama ako." Saad ko kay Unnie.

"Wag na dito ka lang baka kasi hanapin ka nila. Ako na lang bibili para satin huh? Sige mauna na ako." Saad ni Unnie. Tumango lang ako dito. Kaya naman tumayo na ito at naglakad na palabas ng Studio.

Habang nakaupo ako ay lumapit saken si Mark.

"Hey! Okey ka lang ba dito?" Saad ni Mark. Mukha s'yang living angel. Naka all white silang lahat tapos may dala itong Jacket.

"Ah. Oo, okey lang ako dito. Tapos ka na ba ayusan?" Saad ko dito. Ngumiti naman ito saken at tumango bilang sagot. Bigla n'yang hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako kay mark at nakatingin din ito saken.

"B-bakit? M-may dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko dito habang inaalis ang kung anong meron sa mukha ko.

"Tsk.. wala.. wala.. ang sarap lang kasi titigan ang mga bagay na magaganda na ginawa ni GOD." Saad ni Mark tapos ay tinanggal nya ang kamay ko nakahawak sa mukha ko.

"Ah.. Salamat." Saad ko dito ng nakangiti. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi nitong lalaking ito. Maya maya pa ay tinawag na ito  para mag shoot.

"Mag start na kami ng shoot. Mamaya na lang ulit." Saad nito at naglakad na ito paalis. Nag wave naman ako dito ng nakangiti.

Nag uumpisa na silang mag shoot. Dumating na si Unnie Jenny na may dalang Starbucks. Umupo ito sa tabi ko at binigyan ako ng isang coffee.

"Nabalitaan mo na ba?" Tanong nito saken habang na inom ako ng kape.

"Huh? Ang alin?" Saad ko naman dito.

"Hindi mo pa alam? Pambihira itong batang ito. Sabagay hindi ka naman madaldal na katulad ko." Saad nito sabay tawa. Hindi ko sya maintindihan.

"Ah. Eh alin ba yun? Yun ba yung may girlfriend na si Jinyoung at si Nayeon ang girlfriend nya? Yun ba? Alam na namin yun." Saad ko dito. Hindi na ako magugulat kung yan yung balita na sinasabi nya.

"Gaga hindi yon. Alam na din namin yon. Iba itong sasabihin ko. Hindi mo ba alam na meron daw isang mayaman na nagtatrabaho sa JYP? At isa daw sya sa anak ng pinaka mayaman na tao sa Buong Asia. Sino kaya yun? Sana makilala ko sya hahaha." Saad nito saken. Bigla naman Kong napako sa mga sinabi nito.

"Ah ganun ba? Ah.. Paano nyo nalaman na may isang anak mayaman na nagtatrabaho sa JYP." Tanong ko dito. Hindi ako makatingin lay Unnie dahil kinakabahan ako.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon