Kabanata 3

73 3 0
                                    

KABANATA 3 : Welcome to Korea 🇰🇷

Lahat ay magbabago na pag tungtong ko sa eroplano na sasakyan ko papuntang KOREA. Lahat ay magbabago na saken, sa pag hahanap ko sa kanya ay sana makita ko sya. Sana ay worth it tong gagawin kong paghahanap sa kanya. Please Lord, Guide me.

MAKALIPAS ang isang linggo, pupunta na akong KOREA. Dito na magsisimula ang journey ko sa pag hahanap sa kanya. Wala akong ibang iniisip kundi ang mahanap at makita ko sya, pakiramdam ko ay malapit ko ng makita ang taong unang nagpatibok ng puso ko, bata palang kami noon pero kakaiba na ang nararamdaman namin. Ang weird pero yun yung nararamdaman ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, pagka excite, takot, at saya. Excited kasi akong mahanap sya at excited din akong malaman ang kung anong meron sa Korea, takot ako dahil mag isa ko lang gagawin ito, at saya dahil sa wakas ay matutupad ko na ang pangako ko.

Andito na kami sa Airport nila Mommy at Daddy, hinatid nila ako gamit ang sasakyan namin. Sinabihan ko pala sila mommy na kung pwede ay wag silang masyadong tatawag or pupunta or bibisita saken sa Korea ng hindi ko alam, dahil ang alam ng pinag applyan kong work ay mahirap lang ako, alam kong kasalanan ang magpanggap pero ito yung kailangan ko para makapasok sa trabahong papasukan ko, kasi kung malalaman nilang mayaman ako ay hindi nila ako tatanggapin. Masyado kasing kilala ang pamilya namin kaya posibleng madami din ang may kilala saken lalo na't may business din sila daddy sa Korea, kaya kailangan ko mag doble ingat.

"Oh princess, okey ka lang ba talaga? Bakit kasi ayaw mo sa Hotel natin sa Seoul tumuloy? At least doon less worries ako kasi na titingnan ka ng mga staffs  dun. Please princess dun ka na lang sa Hotel." Saad ni Mom.

"Mommy, di ba napag usapan na natin to? I need to pretend mom. Kailangan ko pong magpanggap na mahirap para makapunta sa Korea di ba? So, please mom don't worry about me, okey? " saad ko.

"Basta princess tatawag ka pag may kailangan ka huh ? Hay nako, ang prinsesa namin big girl na talaga. Good luck sa pag hahanap kay PJ huh ? Pagdadasal ka namin na makita mo na sya" mahabang saad ni Dad.

"Thank you so much po Dad, Mom. Mag iingat po kayo dito huh?" Saad ko sabay niyakap ko sila Mommy. Habang nakayakap ako kala mommy at bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Pinutol ko na ang pagkakayakap ko kala Daddy para sagutin kung sino man ang natawag saken.

"Hello?"

[ Yes hello? This is Aunti Kath, where are you ? ]

"Andito po ako sa labas ng airport, papasok palang po ako

[ Okey, make it faster. Kailangan mo ng pumasok dito sa loob. ]

"Ah, sige po. Papunta na po" pinutol ko na ang tawag ni Aunti Kath. Tumingin ulit ako kala mommy at daddy tsaka nagpaalam na sa mga ito. Nakita ko pa si mommy na umiiyak. Ang mommy ko talaga. Kinuha ko na sa driver namin yung isang maleta at back pack ko  nang makuha ko na ang mga gamit ko ay muli akong tumingin kala Daddy at nag wave na ako para magpaalam muli sa kanila. Naglakad na ako papasok ng Airport.

Andito na ako sa loob at nakita ko na din sa Aunti Kath. Si Aunti Kath ang magdadala saken kung saan ako mag ta trabaho.

Nasa loob na kami ng eroplano. Habang nakaupo kami ay nagsalita si Aunti Kath.

"Anak be ready!" Saad nito ng nakangiti.

"Ah.. s-sige po" saad ko dito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon