Kabanata 80

32 2 5
                                    

KABANATA 80.

JINYOUNG'S POV.

Naisipan kong gumising ng maaga para ipagluto ng Breakfast ang aking Fianceè na si Leslie.

Tulog pa ito kaya iniwan ko na muna ito sa kwarto namin.

Nag umpisa na akong magluto ng Breakfast, medyo hindi na sunog ang Bacon, at yung sunny side up egg ay perfect ang pagkakaluto ko.

Natapos na akong magluto kaya kinuha ko yung tray na nasa Cabinet namin, nilagay mo ang niluto kong breakfast sa tray na kinuha ko, nilagyan ko din ng milk na inumin nito at nilagyan ko din ng white rose na nakalagay sa vase.

Dahil gusto ko itong surpresahin ng Breakfast in bed ngayong umaga dahil alam kong sa susunod na araw ay magiging busy na ako dahil sa mga sunod sunod na schedule. Meron pa akong gagawing telenobela, halos buong buwan magiging busy ako.

Kaya ginawa ko na ito hangga't maaga pa. Mamaya ay may shoot na kami para sa Music video nagagawin namin para sa kanta.

Umakyat na ako at pumasok sa loob ng kwarto namin. Pagpasok ko ay tulog pa rin ito kaya naman nilapag ko ang tray na may lamang breakfast ng Fianceè ko.

Lumapit ako kay Leslie at hinalikan ito sa pisngi at sa ilong, hinalik halikan ko din ang labi nito hanggang sa magising ito, hindi naman ako nabigo dahil nagising ko naman ito.

"Good morning, my beautiful queen." Saad ko dito ng nakangiti.

"Good morning, my handsome Fianceè." Saad nito at ngumiti din ito.

"Wake up na. Meron akong sorpresa sayo." Saad ko. Tumingin naman ito saken ng nagtataka kaya umupo na ito mula sa pagkakahiga.

"Ano yun?" Saad nito habang kinukusot ang mata nito.

"Here.. breakfast in bed." Saad ko dito at kinuha ko na ang tray at binigay kay Leslie.

Tumingin ito sa tray at saken ng nakangiti.

"Thank you.. i love you." Saad nito saken at niyakap ako.

"I love you too." Saad ko kay Leslie.

Kumain na ito kaya naman sinabayan ko na itong kumain.

"Jagiya, baka hindi kita masundo mamaya ah?" Saad ko habang nakain kami.

"Huh? Bakit?" Saad nito saken.

"Ngayon na kasi kami mag sho-shoot ng MV para sa bagong kanya namin eh. Pero pag maaga kaming natapos susunduin kita." Saad ko dito at hinawakan ko ang kamay nito habang sinasabi sa kanya ang mga katagang yan.

"Oo nga pala..  nakalimutan ko ngayon nga pala ang shooting nyo. Okey lang, nandyan naman si Sir bobby eh kaya merong magsusundo saken mamaya. Wag mo na muna akong isipin, okey? Ag focus ka sa ginagawa mo huh?" Saad nito ng nakangiti at hinawakan ang pisngi ko.

"Sure ka? Pag maaga kaming natapos, susunduin kita mamaya." Saad ko dito.

"It's okey, hindi mo kailangan magmadali. Basta galingan nyo mamaya ah? Fighting!!" Saad ni Leslie.

"Thank you.." Saad ko dito at niyakap ko ito.

Natapos na kaming kumain. Nilinis ko na ang pinag kainan namin habang si Leslie ay naliligo, nakaligo na ako kanina kaya magbibihis na lang ako.

Bumaba na si Leslie mula sa kwarto namin.

"Let's go. Baka ma late ka pa." Saad nito. Kaya naman lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan namin.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon