Kabanata 28

42 2 1
                                    

KABANATA 28 : THE PAST.

Iiwasan ko ba sya o wag na lang?

"Sige po doc. Hihintayin na lang po namin kayo. Salamat po." Saad ni Mark sa kausap nya sa cellphone. Kausap nya ang doctor namin. Maya maya pa ay bumaba na si JB hyung.

"Hyung kamusta na si noona?" Tanong ni Yugyeom dito.
Umupo muna ito sa sofa at tsaka sumagot.

"May lagnat sya. Siguro ay kanina pa nya ito nararamdaman hindi nya lang pinapansin . Malamang ay napagod ang katawan nito dahil sa sunod sunod na ginagawa natin, bago pa lang sya kaya hindi pa sya sanay sa mga ganitong gawain pero pag nasanay na ang katawan nya sa trabaho nya ay hindi na sya magkakasakit." Paliwanag ni JB hyung. Siguro nga ay ganun nga.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang doktor namin. Kaya naman lahat kami ay dinala namin sa kwarto ni Leslie si doc para matignan nya ito. Nilagyan nya ng thermometer si Leslie at sinuri nya ng mabuti at tinitingnan kung ano nga bang meron si Leslie.

Habang sinusuri ni Doc si Leslie ay nanonood lang kaming lahat dito.

Makalipas ang ilang pagsusuri ay kinausap kami ni Doc.

"Medyo napagod lang sya at stress at the same time. Pero wag tayong makampante masyado dahil mataas ang lagnat nya so, kailangan natin s'yang bantayan mabuti dahil baka biglaan na lang itong mawalan ng malay or mag collapse dahil sa sobrang taas ng fever nya." Saad ni Doc.

"Pero doc, mga ilang days po sya ganyan?" Tanong ni JB na halata ang pag aalala.

"Normal days lang yan like 1 week. Pero keep your eyes on her huh? Sya nga pala.. ito yung mga gamot na dapat n'yang i take every 4 hours after meal. Kailangan ay wala s'yang ma skip na gamot dyan." Saad muli ni Doc.

"Sige po doc." Saad ni JB.

"Eh doc, okey lang po ba si Noona?" Saad ni Yugyeom.

"Yes. She's fine naman na pero hindi pa sya pwedeng mag work or gumalaw galaw ng matagal dahil baka mag collapse sya at baka mabigla ang katawan nya so, pagpahingahin muna natin sya and then after mga ilang weeks ay pwede na s'yang bumalik sa work." Saad muli ni Doc.

"Sige po doc. Maraming salamat po." Saad ni Mark at lahat kami ay hinatid na si Doc sa labas.

Nang makaalis na si doc ay nagpasukan na kaming lahat sa loob. Si JB, Jackson, Youngjae at BamBam ay dumetretso sa taas siguro ay pupuntahan nila si Leslie. Si Mark, Yugyeom at ako ay nasa kusina para magluto ng dinner namin at ng porridge dahil kailangan nya yun.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na kaming magluto kaya kumain na kaming tatlo nila Mark hyung at Yugyeom para mamaya ay sila JB hyung naman ang kakain at ako naman ang magbabantay kay Leslie.

Natapos na kaming kumain kaya tinawag na nu Yugyeom yung apat para kumain, maya maya pa ay bumaba na silang apat kaya naman umakyat na ako na dala dala yung ginawa naming porridge kanina.

Pag akyat ko ay naabutan ko si Yugyeom na nakaupo sa tabi nu Leslie.

"Yah. Ako na magbabantay dito, magpahinga ka na dun." Saad ko dito na may malumanay na boses.

"Mamaya na, binabantayan ko pa si Noona dito eh." Sinamaan ko ito ng tingin. "Oo nga sabi ko nga lalabas na ako. Tsk." Saad nito na napakamot pa sa ulo nya bago lumabas. Kaya ngayon ay ako at si Leslie na lang ang natira sa kwarto pero tulog pa rin ito.

Inilapag ko muna sa side table ang dala kong pagkain. Umupo ako sa tabi nito, tinitigan ko ito pero habang nakatingin ako kay Leslie ay hinimas ko ang ulo nito.

"Hindi ko pala talaga kayang iwasan ka. Ang lakas mo kasi eh, kaya hindi na ako magtataka kung bakit pati si JB hyung ay nagkagusto sayo." Saad ko habang hinahagod ang mga buhok nito. "Actually, naunahan ako ni JB hyung eh. Hindi ko nga alam kung ano ba ang gagawin ko eh, kung magpaparaya na ba ako o mag s-stay? Ewan, hindi ko alam. Alam mo bang ikaw ang pangalawang babae na nagpatibok ng puso ko? Hays.. sabi ko sa sarili ko hindi ako mahuhulog sa iba dahil hinihintay ko pa din sya, pero wala eh dumating ka kaya hindi ko na napigilan." Saad ko muli, may biglang tumulo na luha mula sa mata ko. Umiiyak ba ako? Tsk.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinunasan ko ang luha ko dahil biglang pumasok si JB hyung.

"Ah.. Sige dun muna ako sa kwarto ko. Magpapahinga na muna ako." Saad ko at tuluyan ko ng nilisan ang kwarto ni Leslie at nagtungo na ako sa kwarto ko.

Ayokong maging kakompitensya isa samen, pero ayoko ding mapunta sa iba ang taong gusto ko.

Napaupo ako sa kama ko at biglang pumasok sa isip ko si Len Ang babaing kauna unahan kong minahal. Natatandaan ko pa ang mga sinabi ng Daddy nya.

Nasa kwarto si Len, natutulog sya. Mga bata palang kami ay lagi na kaming sabay matulog or mag siesta. Lumabas ako ng kwarto nya dahil may naririnig akong nag uusap dahil bukas ang pinto ng kwarto ni Len at ang kabilang kwarto na halos magkasing tabi lang. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa pinag uusapan nila pero yung paa ko ay pilit akong dinadala sa pinto ng nakabukas na kwarto. Sinilip ko kung sino ang nasa loob.. Si Mama at Papa kausap nila ang mga magulang ni Len. Bahagya akong umupo sa sahig na katabi ng pinto para makinig. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ito.

"Mare, maraming salamat sa pagtulong saming pamilya. Tatanawin namin itong malaking utang na loob." Saad ni Mama.

"Wala yun. Basta mag iingat kayo sa Korea? Tawagan nyo lang kami pag may kailangan kayo." Saad ng Mommy ni Len.

"Teka.. kailan ba ang alis nyo ?" Saad ng Daddy ni Len.

"Actually mamaya na. Kailangan na talaga naming pumunta sa Korea as soon as possible dahil baka tuluyan ng mawala ang company namin." Saad ni Papa.

"Paano na si PJ? Nalalayo sya sa anak namin.?" Saad ng Daddy ni Len.

"Ang totoo nan, balak na talaga naming tumira sa Korea at dun na din namin balak pag aralin si PJ para hangga't bata pa sya ay matuturuan na s'yang mag manage ng Company namin." Saad ni Mama.

Hindi ko na hinintay na matapos ang usapan nila dahil tumakbo na ako palayo sa kwartong iyon at lumabas na din ako ng mansion nila Len. Bakit ganun? Bakit kailangan pa naming umalis? Yung company ba talaga ang iniisip nila? Bakit? Bakit?

Hindi na ako nakapag paalam kay Len dahil tulog pa din ito hanggang ngayon. Hindi ko alam kung kailan ako makababalik dito sa pilipinas pero pangako ko sayo Len. Mananatili ka sa puso ko at hindi ka mawawala, hahanapin kita, babalikan kita. Hanggang sa muli. PAALAM.

Hindi ko namalayan na napahagulgol na pala ako. Pag iniisip ko ang nakaraan ko ay kusa na lang tumutulo ang luha ko.

Nangako ako na hahanapin kita, pero bakit ganun? Bakit parang nararamdaman ko na nandito ka lang sa tabi ko? Patay ka na ba? O may pamilya ka na kaya? O baka nasa ibang bansa ka. Hindi ko alam kung saang lugar ka ngayon. Pero kahit na hindi kita hinahanap alam kong magtatagpo pa din tayo. Hindi pa huli ang lahat, magkikita at magkikita pa din tayo.

Humiga na ako at hinayaan ko na lang ang sarili kong kainin ng antok.

***

Kinabukasan,  nagising ako sa sobrang ingay. May nagtatawanan at nag uusap. Sobrang lakas naman ng boses nila.. teka.. Bakit parang ang dami nila ?

Bumangon na agad ako at bumaba na. Pagbaba ko ay nagulat ako kung sino sino ang tao dito sa bahay.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon