Kabanata 82

21 2 5
                                    

KABANATA 82.

LESLIE'S POV.

Gabi na at kakauwi ko lang sa bahay. Ako lang mag isa dito dahil pinauwi ko na ang body guards ko, wala pa si Jinyoung dito sa bahay. Kumain na kami sa labas dahil wala na din akong oras magluto dahil gabi na rin ako nakauwi galing company.

Kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan. Kahit malamig ngayon dito sa Korea ay feeling ang init ng pakiramdam ko at parang ang banas ng pakiramdam ko kaya naman nag linis ako ng katawan ko.

Naka bihis na din ako at umupo muna sa kama namin. Tiningnan ko kung anong oras na, 1:56 am na pala ng madaling araw. Wala naman akong schedule bukas at wala din kaming meetings bukas kaya anytime pwede ako pumunta sa Company bukas.

Bigla kong naisip na meron pala akong pupuntahan bukas, yung restaurant ng Papa  ni Jill. Tinext na saken ni Jill ang Address ng restaurant kaya alam ko kung saan ito pupuntahan.

Habang nagbabasa ako ng book na binabasa ni Jinyoung which is tapos na n'yang basahin dahil napaka book worm talaga ng Fianceè ko kaya alam ko na kung ano ireregalo ko sa kanya this coming Christmas.

Habang nagbabasa ako ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa Table na katabi ng kama namin.

Isang message, kaya naman binuksan ko message.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang message mula sa cellphone ko.

"Handa ka na ba? Kasi ako, kating kati na akong makita ka.. makita kang masaktan..." ang nakasaad sa message.

Binura ko na ang message dahil ayokong mabasa ito ni Jinyoung dahil alam kong mag aalala yun.

Nilagay ko na ang cellphone ko sa Table kung saan ko ito kinuha at bumalik muli ako sa pagbabasa.

Maya maya pa ay nagulat ako dahil sa tunog na narinig ko. Parang may nabasag na anong bagay at parang sa ibaba lang yun ng kwarto namin ni Jinyoung.

Kaya naman nakaramdam ako.. tumayo ako at dahan dahang lumapit sa pinto ng kwarto namin ni Jinyoung at dahan dahan din itong ni lock. Bumalik muli ako sa kama ng dahan dahan lang din at hindi gumagawa ng tunog.

Natatakot ako dahil meron akong naririnig na kung ano man sa ibaba ng kwarto. Kaya naman kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Jinyoung. Nakailang ring ito pero hindi pa rin nya sinasagot, kaya naman tinawagan ko muli ito at sa pangatlong ring ng cellphone nito ay sinagot na nya.

Nanginginig ako at nararamdaman ko ang mainit na tubig mula sa mata ko.

"Jinyoung ah.." saad ko ng pabulong lang para hindi ako marinig ng kung sino man ang nasa ibaba ng kwarto. Nanginginig na ang boses ko at tuluyan ng tumulo ang luha sa mata ko ng marinig ko na ang boses ni Jinyoung.

"Hi.. pauwi na kami, nag aayos lang ako ng gamit ko." Saad nito mula sa kabilang linya.

"Jinyoung ah.. tulungan mo ko, please. Kailangan nito, please." Saad ko ng pabulong habang nanginginig ang boses at naiyak.

"Bakit? Anong nangyari sayo? Nasaan ka?" Saad nito at halata dito ang pagkagulat at panic.

"Nasa bahay ako sa may kwarto natin. M-merong tao sa ibaba ng kwarto.. may narinig akong nabasag sa ibaba.. h-hindi ko alam k-kung ano yun at s-sino ang tao sa ibaba.. n-natatakot ako, Jinyoung.. please umuwi ka na.." Saad ko dito ng naiyak at pabulong lang ulit na boses.

"Sige.. Kahit anong mangyari wag kang lalabas ng kwarto huh? Wag kang gagawa ng kahit na anong tunog na pwedeng mapansin ka nya.. hintayin mo ko pupuntahan na kita dyan.. Promise me na hindi ka aalis dyan sa kwarto natin. Please, papunta na ako dyan.. please stay with me, wag mong papatayin ang call.." Saad nito at nanatili lang akong nakaupo sa sulok ng kama.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon