Kabanata 116

12 2 1
                                    

KABANATA 116.

JINYOUNG'S POV.

Kasama ko si Daddy at ang Papa ko, nasa isang shop kami na puro Tuxedo at iba pa na pang kasal.

"Anak pumili ka na dyan tapos sukat mo na din." Saad ni Papa kaya naman ginawa ko ang sinabi ni papa.

Tumingin tingin ako ng mga coats at Tuxedo.
Pumili ako ng mga lima tsaka ko ito isinukat.

Papalapit na ng papalapit ang kasal namin ni Leslie. Ito ang unang pasko na magkakasama kami, hindi lang bilang mag Fianceè kundi bilang isang mag asawa.

Napapangiti ako habang nagsusukat ng damit. Masaya ako dahil su Leslie ang mapapangasawa ko.

Habang nagsusukat ako ay pumasok sila Papa at Daddy.

"Wow ang guwapo ng anak ko ah." Saad ni Papa habang ako ay nakatingin sa salamin at inaayos ang damit na sinukat ko. Mga naka Tuxedo din sila Papa at Daddy.

Nakangiti lang ako dito habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.
I can't wait to see Leslie sa kanyang wedding gown walking down the aisle on the arm of her father.

"Masaya ka ba?" Saad ni Daddy. Hindi ko napansin na nakatingin sila saken.

"Opo Dad, masayang masaya po ako. Hindi pa rin po kasi ako makapaniwala na si Leslie ang mapapangasawa ko kahit na ang tagal naming nagkawalay eh itinadhana pa rin kami." Saad ko.

Umakbay saken si Daddy.

"Anak, alam namin ng Mommy mo na mas sasaya si Leslie kung ikaw ang makakasama nya sa buong buhay nya at panatag kami na nasa mabuting tao sya mapupunta kaya hinanap ka namin kahit na alam namin na nahanap ka na ni Leslie pero hindi nya pa lang alam. Basta Jinyoung, aalagaan mo mabuti ang anak ko huh? Wag mong hahayaang may mang agaw sa kanya, alam mo naman na maganda ang asawa mo dahil nag mana saken." Saad ni Daddy sabay tawa kaming tatlo.

"Oo anak, lagi n'yong ilalagay ang DIYOS sa pagitan ng relasyon n'yong dalawa. Magtiwala kayo sa isa't isa at magmahalan dahil dyan tatatag ang pagsasama nyo. Basta anak, ituring mong prinsesa si Leslie at wag na wag mong hahayaang umiyak si Leslie ng dahil sa pagkakamali mo lamang. Dahil kapag nasaktan mo si Leslie at umiyak ito, kahit tatay mo ako, ako ang maglalayo kay Leslie sayo at uuwi ko na sa kanila. Naiintindihan mo ba?" Saad ni Papa.

"Opo, gagawin ko ang lahat para tumatag ang pagsasama namin at hinding hindi ako gagawa ng kasalanan na alam kong makakasakit kay Leslie. Salamat po sa inyo, Papa, Daddy." Saad ko.

"Basta nandito lang kaming mga magulang nyo para tulungan kayo." Saad ni Papa.

Tinapik naman ni Daddy ang balikat ko ganun din si Papa.

Ngumiti lang ako bilang sagot at lumabas na sila ng fitting room.

Matapos kong sukatin lahat ay lumabas na ako at may napili na din ako.

Naupo muna ako sa isang sofa at tumingin tingin sa magazine habang sila Dad at Papa ay nagsusukat pa rin.

Makalipas ang ilang oras ay napag isipan naming umuwi sa mansion.

Pag uwi naman ay wala pa rin sila Mama, Mommy at si Leslie.

"Wala pa ba sila dito?" Saad ni Daddy sabay upo kaming tatlo sa Sofa.

"Wala pa po sila." Saad ni Sammy.

"Ang mga babae talaga napaka tagal pumili ng susuotin. Ang daming arte sa katawan." Saad ni Papa.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon