Kabanata 18

62 3 2
                                    

KABANATA 18 : PUNISHMENT..

NAGISING ako dahil sa ingay ni Alex, minulat ko ang mga mata ko at tiningnan kung bakit sya maingay. Pagtingin ko ay may kausap sya sa phone nya at tawa sya ng tawa kaya naman wala na akong ginawa kundi ang gumising na ng tuluyan at maghanda na ng almusal.

Bumababa na ako at nakita ko sila Jimin, Jungkook, JB, Mark, RapMon, Suga at Jackson na nakaupo sa Dining table at nakain na. Ang aga naman nilang magising.

Pagbaba ko ay nakita nila ako at binati nila ng GOOD MORNING na sya namang binati ko pabalik. Dumetretso na ako sa CR, nag toothbrush at nag weewee muna ako bago lumabas.

Paglabas ko ay nakita ko muli sila.

"Leslie, sabay ka na dito." Tawag saken ni Suga. Kaya naman umupo na ako sa tabi ni Mark. Habang nakain ako ay bumaba na si Alex at tumabi na din saken para kumain.

NATAPOS na kaming kumain at yung iba ay mga tulog pa, na linis na din namin ni Alex ang aming mga pinagkainan at ngayon ay nandito muli kami sa Balcony sa may Garden, pero ngayon ay si Jimin ang kasama ko dito. Dapat ay kagabi mag kukwentuhan kami kaso nga lang ay nakatulog ako at nawala sa isip ko ang sinabi ni Jimin kagabi.


JIMIN'S POV...

NANDITO ako ngayon sa garden at kasama ko si Leslie. Kagabi ay hindi kami nakapag usap dahil maaga itong nakatulog. Kagabi din ay gusto ko ako ang magbuhat sa kanya pa punta sa kwarto nya pero naunahan ako ni Jinyoung. Sa tingin ko ay may gusto si Jinyoung kay Leslie dahil lagi ko silang tinitingnan.

Nung unang araw na nakita ko si Leslie nakaramdam ako ng  parang kuryente saking katawan, naramdaman ko na ito dati sa isang babaeng minahal ko ng sobra pero iniwan lang ako at naglaho na ng parang bula dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din sya nakikita or wala akong nababalitaan sa kanya.

Pero ngayon, naramdaman ko na naman sya sa isang babae. Napaka bait nya at napaka amo na parang anghel ang mukha nya, wala s'yang katulad sa mundong ito. Ni hindi ko naiisip na ito ang trabaho nya kahit si Alex ay hindi namin maisip na P.A namin sya dahil sa kutis at tindig ng pangangatawan nito ay mahahalata talagang sya ay anak mayaman kahit si Leslie ay ganun din. Pero hindi na namin inisip yun.

Kakaiba si Leslie, hindi mo sya makikitaan ng pagka arte, napaka simple n'yang babae at napaka down to earth kaya hindi malabo na magkagusto sa kanya si Jinyoung, si Mark, Jungkook at ako dahil hindi naman sya madaling magustuhan dahil parang nasa kanya na ang tipo namin sa isang babae parang na kay Leslie na ang hinahanap ng bawat lalaki.

Oo, alam ko at hindi ako tanga para hindi ko makita at maramdaman dahil lalaki din ako. Si mark, pag nakain kami ay lagi s'yang nasa tabi ni Leslie at kung minsan pa ay nilalagyan nya pa ng pagkain ito sa plato. Si Jungkook, kilala ko si Jungkook pag may nagustuhan sya ay tahimik lang sya at tinatanaw na lang nya ito, pero sa tingin ko ay gagawa ito ng paraan para mapansin ng gusto n'yang tao. Si Jinyoung, lagi ko s'yang nakikitang nakamasid kay Leslie, sa bawat galaw ni Leslie ay nakatingin ito, palagi nya din itong kinukuhanan ng litrato ng palihim, oo nakikita ko yun dahil minsan ay nakikita ko sya kung nasaan si Leslie ay nandun din sya kahit hindi sya nakikita ni Leslie basta makuhanan nya lang ito ng litrato. At ako, nagustuhan ko sya dahil simpleng babae lang sya at nasa kanya na ang hinahanap kong katangian ng isang Babae.

Nakaupo kami ni Leslie sa bench dito sa garden ng bahay ng GOT7, mag katabi kaming dalawa. Yung iba kasi ay nasa loob ng bahay at kung ano ano ang ginagawa.

Nahihiya akong magsalita sa kanya hindi ko alam kung bakit pero parang ang awkward ng atmosphere dito.

Magsasalita na sana ako ng magsalita ito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon