Kabanata 59

30 1 1
                                    

KABANATA 59.

LESLIE'S POV.

Makalipas ang ilang araw ay aalis na ako ng Korea.

Bago ako umalis sa Korea ay kailangan kong makausap si JYPnim at ang mga staff. Pati na rin ang GOT7 lalong lalo na si Mark at JB. Ayokong saktan si JB at Mark pero alam kong maiintindihan nila ako pag sinabi ko sa kanila ang dahilan.

Kaya naman Pumunta ako sa kwarto ni Alex para magpasama papuntang JYP at sa bahay ng GOT7.

Pagpasok ko sa kwarto ni Alex  ay nakahiga ito na parang kinikilig habang may kausap sa cellphone.

Mukha kilala ko na kung sino ang kausap nito. Nakatayo lang ako dito sa pinto at pinapakinggan ang mga sinasabi nito.

"Eyyyy.. kelan ba?" Saad nito.

Napairap na lang ako sa ere dahil sa ginagawa nito.

"Jack naman eh. Tsaka na lang tayo magkita pag wala na kayong schedule. Tsaka babalik kami ng pilipinas this week eh.... Oo.. mamimiss din kita... kailangan kasi ako ng bestfriend ko eh... wag ka ng magtampo huh?..  ilove you too." Saad ni Alex. Bigla akong nag ubo ubohan na sya namang tingin ni Alex sa likod nito.

"Woish.. kanina ka pa ba dyan? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Hindi ka ba marunong kumatok? Aish." Saad nito. Pero nakatingin lang ako dito.

"Anong ginagawa mo? May pag kagat ka pa sa mga daliri mo. Naiihi ka ba? Kilig na kilig ka kasi eh.. ang landi mo gaga." Saad ko dito.

"Yah!! Wag ka ngang ganyan. Palibhasa kasi--." Saad nito pero natigil ito.

"Palibhasa kasi ano?" Saad ko dito.

"Palibhasa kasi... wala.. teka nga, bakit ba nandito ka?" Saad ni Alex.

"Samahan mo ko sa JYP at sa bahay ng GOT7. Kailangan kong magpaalam sa kanila tsaka gusto kong kausapin si Mark at JB. Ayoko kasing umasa sila ngayon eh." Saad ko kay alex.

"Tama. Kakaawa kasi yung dalawa kapag umasa lang sila sa wala, maganda na ding kausapin mo sila.. bakit kailangan mo pa ako? Eh marunong ka naman mag drive." Saad nito.

"Hindi mo ko sasamahan? Okey.. papunta ako sa bahay ng GOT7. Ito na yung chance para makita mo si Jackson kasi 2 days na lang babalik na tayo sa pilipinas.. sige mauna na ako. Bahala ka dyan." Saad ko dito. Lumabas na ako ng kwarto ni Alex at bumaba na. Palabas na sana ako ng Mansion ng biglang sumigaw si Alex kaya tiningnan ko ito habang pababa ng hagdan ay nag susuot ito ng Jacket.

"Teka lang.. sasama ako. Ang bilis mo din mag desisyon eh noh? Tara na." Saad nito. Sabi na nga ba hahabol ito saken.

Ang pag ibig nga naman.

Sumakay na kami ng Kotse at ako na ang nag drive. Nagpatugtog lang si Alex ng mga RnB songs yung mga kanta ng Little Mix.

Makalipas ang isang oras na biyahe ay nakarating na kami ng JYP.
Nag park lang kami tsaka kami pumasok sa loob ng JYP.

Pagpasok namin ay may naririnig kaming nagtatawanan na parang boses ng mga babae. Nang makapasok na kami ng tuluyan sa loob ay nakasalubong namin ang mga babaeng nag tatawanan, ang TWICE.

Tiningnan ko si Alex at nakatingin ito sa Twice, 3 members lang ng twice ang nandito at syempre kasama na dun si Nayeon.

Hindi na lang namin pinansin ang mga ito at nag lakad na lang kami ni Alex papunta sa loob at nilampasan ang mga ito. Pero bigla namang nagsalita si Nayeon.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon