Kabanata 109

3 0 0
                                    

KABANATA 109.

JINYOUNG'S POV.

Gabi na pero wala pa rin si Leslie.

Nandito pa rin ang GOT6 at ang mga girls.

Tumingin ako sa wall clock at 11:50 na nga gabi.

Kanina ko pa tinatawagan si Leslie pero naka off ang phone nito.

Nag text na din ako sa kanya kung nasaan sila pero wala itong reply.

Nag aalala ako dahi kasama nya si Jimin.

Oo, mag Fianceè na kami ni Leslie at may tiwala ako sa Fianceè ko pero kay Jimin, wala akong tiwala sa kanya dahil alam kong may gusto pa rin sya sa Fianceè ko at narinig ko yun nung nag punta kami ng beach house.

Natatakot ako na baka sa isang iglap ay mawala saken ang pinakamamahal kong babae. Natatakot ako na baka sa isang araw hindi na ako ang mahal ni Leslie, alam kong masyadong over ang pag iisip ko pero hindi ko maalis sa isip ko ang mga posibilidad na mangyari.

Tumayo ako para hanapin si Leslie.

"Oh, hyung! Saan ka pupunta?" Saad ni Youngjae.

"Hahanapin ko si Leslie.. baka bumalik na sila sa Company." Saad ko.

"Pero gabi na.. malamang sa malamang pauwi na si Leslie." Saad ni Mark hyung.

"Di ba kasama nya si Alex?" Saad ni Jaebeom.

Oo nga pala kasama ni Leslie si Alex.

"Jackson hyung, bakit hindi mo tawagan si Noona Alex para malaman natin kung nasaan sila." Saad ni BamBam.

"Kanina ko pa din tinatawagan si Alex pero nag ri-ring lang ito. Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko, nag text na din ako sa kanya pero hindi din ito nag re-reply sa mga messages ko." Saad ni Jackson.

Kilala ko si Jackson, alam kong nag aalala din ito kay Alex.

"Baka pa uwi na sila, hintayin na lang natin. Baka pag umalis kayo eh s'yang dating naman nila kaya hintayin na lang natin." Saad ni Jill.

"Oo nga.. alam naman siguro nila na malalim na ang gabi." Saad ni Ann.

Napatingin kaming lahat sa pintuan ng bumukas ito at nagsalita si Yugyeom.

"Nandito na pala sila Noona eh.. Hindi n'yo na kailangang umalis, Jinyoung hyung." Saad ni Yugyeom.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kasama nila na sila Jimin at Taehyung.

"Pasok muna kayo.. Gusto nyo ba ng coffee?" Saad ni Leslie.

Nakatingin lang ako kay Jimin.

Tumingin ito saken at ngumisi pa na parang nang aasar pa ito.

"Hindi na.. uuwi na din kami kasi naulan na ng snow eh.." Saad ni Jimin.

"Sure ka? Sige.. ingat kayo sa daan." Saad ni Leslie. Nagkakangitian sila sa isa't isa at hindi na din maganda ang pakiramdam ko, parang gusto ko ng makasapak ng tao.

"See you tomorrow, Leslie." Saad ni Jimin at nag beso sila at naghanap pa.

Ganun din ang ginawa ni Alex at Taehyung.

"Ingat kayo sa pag drive." Saad ni Alex.

"Bye.. See you tomorrow." Saad ni Taehyung.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon