Kabanata 46

32 3 2
                                    

KABANATA 46.

Anong ginagawa nila dito? Paano nila nalaman itong Mansion namin.

"Hi Noona!" Bati samin ni Yugyeom. Nakangiti silang tatlo samin. Samantalang ako ay halos hindi makangiti. Tiningnan ko si Alex hindi din ito makangiti dahil alam kong parehas kami ng nararamdaman.

Lalo pa kaming kinabahan ng may lumapit saming mga Maids at  kinuha yung mga binili samin.

"Miss, samin na po yan." Saad ng isang Maid. Kinuha nila ang mga dala namin. Tumingin kami sa isa't isa ni Alex. Patay kang bata ka, buking na kami. Sabi na nga ba mali yung ginawa namin eh. Minsan kasi Leslie mag isip ka muna ng gagawin mo. Paano na ito.

"Ah... Sunny, kanina pa ba sila dito?" Tanong ni Alex sa Isang Maid namin na si Sunny.

"Yes po. Pinapasok po namin sila kasi kaibigan nyo daw po sila at GOT7 po sila kaya pinatuloy na po namin. Tsaka malamig po sa labas. Kaya po pinatuloy na po namin. Pasensya na po kung pinangunahan po namin kayo." Saad nito at tumungo.

"Okey lang yun Sunny. Sige na maiwan nyo na muna kami." Saad ko at umalis na sila.

Tumingin muli ako sa tatlong lalaking ito.
Lumapit ako sa kanila.

"Ah... Sige, maupo muna kayo. Anong gusto nyo? Coffee? Hot Choco? Juice? Wine? Ano?" Saad ko sa kanila at umupo naman sila pati kami ni Alex ay umupo na din. Nasa harap namin silang tatlo at nakatingin lang samin.

"Noona, pwede bang Iced Choco?" Saad ni Yugyeom ng nakangiti. Oo nga pala, favorite nya ang Iced Choco.

"S-sige.. Sige.." Saad ko naman ng may pekeng ngiti. Ang hirap ngumiti ngayon.

"Saken Noona, kahit Wine na lang." Saad ni BamBam.

"Sige.. ikaw mark? Anong gusto mo?" Saad ko naman.

"Meron ba kayong Grape Juice?" Saad nito ng nakangiti.

Bakit lahat sila nakangiti samantalang kami ay kabang kaba dito.

"Oo..Oo naman." Saad ko.

"Sige yun na lang." Saad ni Mark.

"Okey.. ahmmm... Joana, bigyan mo kami ng Isang Iced Choco, Wine and Grape Juice. Salamat." Saad ko kay Joana.

"Sige po." Saad naman ni Joana at umalis na ito.

"Wow Noona, parang nasa bahay kami ng President. Baka nga malaki pa ito eh." Saad ni BamBam.

"Ah... Sorry kung hindi ko inamin sa inyo agad. Pasensya na kayo kung nagsinungaling ako sa inyo nung una palang, baka kasi pag sinabi ko ang totoo ay mawalan ako ng trabaho eh tsaka pag sinabi ko sa inyo baka hindi ko mahanap si PJ. Sorry talaga." Saad ko at yumuko ako ng bahagya.

"It's okey. Naiintindihan namin kung bakit mo nagawa yun. Kaya okey lang samin yun, ang totoo nan kaming tatlo palang ang nakakaalam nito. Kaya don't worry." Saad ni Mark kaya tumingin ako sa kanya ng nakangiti.

"Salamat talaga." Saad ko at nginitian ko din sila.

"Eh teka.. Paano nyo pala nalaman ang secret ni Leslie?" Tanong ni Alex sa mga ito.

"Ah.. kay JYPnim." Saad ni BamBam.

"Huh? Kay Papa?" Saad ni Alex na may pagkagulat.

"Papa mo si JYPnim?" Tanong ni Yugyeom.

"Hindi naman. He's my Uncle." Saad ni Alex.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon