Kabanata 86

23 2 4
                                    

KABANATA 86.

Anong nangyari dito sa bahay? Bakit ang gulo ng ng mga gamit?

Nasaan kaya yung mga yun? Nagkalat na naman itong mga ito na parang dinaanan ng bagyo.

Kaya naman tinawag ko sila.

"Mark? BamBam? Yugyeom.. ang kalat naman dito. Youngjae ah.." tawag ko sa kanila.

Nasaan kaya ang mga yun?

Naglakad pa ako papunta sa kitchen at nagulat ako dahil nandito silang apat at nagtatago. Hindi nila ako nakikita dahil sa cabinet sila nagtatago, narinig ko ang pag SHHH nila kaya naman dahan dahan kong binuksan ang cabinet.

Pagbukas ko ng cabinet ay gulat at mga salitang sabay sabay nilang sinasabi.

"Maawanpo kayo samin.. kunin nyo na po lahat wag nyo lang kami sasaktan."

"Please po.. maawa po kayo samin.."

"Opo.. Please po." Yan ang mga narinig ko sa mga yan.

Kaya naman sumigaw ako tsaka nila ako nakilala.

"YAHH!! ano bang nangyari huh? Bakit kayo nagtatago dyan na parang daga. Buti nagkasya kayo dyan." Saad ko sa mga ito.

"Hyung.." Saad ni Yugyeom at lumabas na ang mga ito sa cabinet at sabay sabay nila akong niyakap.

"Bakit? Ano bang nangyari? Tsaka bakit sobrang kalat dito sa bahay? Parang ninakawan tayo ah." Saad ko at sabay sabay silang tumingin saken.

"Hindi mo ba nakita?" Saad ni Mark.

"Huh? Ang alin?" Saad ko.

"May mga tao dito kanina na may hawak na baril tapos mga naka cap at naka mask sila tapos naka all black silang lahat.." saad ni BamBam.

"Ano? Hindi ko naintindihan ang mga sinasabi nyo." Saad ko. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nila.

"Yung.. Yung.. mga lalaki, mga magnanakaw yun hyung.. sila yung ano.. Yung ano.." saad ni Youngjae. Hindi nya masabi ang gusto n'yang sabihin.

"Teka nga.. Hindi ko maintindihan, pwede bang ipaliwanag nyo ng maayos." Saad ko.

"May mga lalaking magnanakaw ang pumunta dito at ginulo lahat ng gamit dito na parang may hinahanap pero hindi sila pumunta sa taas.. Hindi namin alam kung anong hinahanap nila." Saad ni Mark habang nakayakap kay Youngjae.

Si Youngjae ang pinaka  sensitive samin kaya hangga't maaari hindi namin sya sinasaktan pero ngayon sa tingin ko ay may trauma sya dahil sa nangyari. Iniingatan namin si Youngjae pero ito na nga ang nangyari.

Nilapitan ko si Youngjae na takot na takot.

"Nandito na ako.. wag ka ng matakot." Saad ko sabay yakap dito at hinihimas ang likod nito.

"Hyung, hindi ka namin papabayaan." Saad ni Yugyeom kay Youngjae.

"Akyat nyo muna si Youngjae sa kwarto nya at kami na ni Mark ang maglilinis dito. Mag pahinga na din kayo dahil gabi na din naman." Saad ko.

"Sige hyung.. tata na Youngjae hyung." Saad ni BamBam at inalalayan nila ni Yugyeom si Youngjae papunta sa taas para makapagpahinga na din sila. Dahil sa nangyari alam kong matagal bago makalimutan ni Youngjae ang nangyari sa kanila.

Nag umpisa na kami ni Mark mag ayos ng mga kumalat ng magnanakaw. May CCTV dito kaya mamaya ay makikita ko kung sino ang gumawa nito sa bahay at lalong lalo na kay Youngjae na tinakot nila.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon