Kabanata 27

48 1 0
                                    

KABANATA 27 : SICK

Hindi ko pa din makalimutan ang ginawang yun ni JB. Hindi ko maintindihan kung bakit sya nagkagusto saken? At bakit saken pa? Naiinis ako sa sarili ko, Ayokong saktan si JB at ayoko din s'yang paasahin, hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa s'yang artist at alam kong bawal silang magkaroon ng girlfriend dahil pag nangyari yun ay mawawala sa kanila ang lahat at yun ang ayokong mangyari sa kanila. Ayoko din maging dahilan ng pagkawala ng lahat ng pinaghirapan nila. Anong gagawin ko?

Nandito ako sa kwarto, nakahiga at iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Kailangan kong pag isipan mabuti ang mga desisyon na gagawin ko. Dahil kung hindi ko pag iisipan mabuti ay may masasaktan at may mawawala. Dinalaw na ako ng antok kaya naman nakatulog na ako.

***

Maaga akong nagising dahil meron pa silang last promotion at pag ka tapos ng Promotion nila pahinga na nila at dun ako kukuha ng time para mahanap si PJ.

Nagluto na ako ng breakfast namin at hinanda ko na din ang mga gamit nila para mamaya paggising nila kakain na lang sila at maghihintay na lang sa sasakyan. Habang tulog pa sila ay naligo na ako. Pag tapos ko maligo ay bumaba na ako, nagsuot lang ako ng Denim ripped jeans at black na sweatshirt na may print na "LIKE A PRO" haha. Mahilig ako sa sweatshirt, naka backpack din ako na leather at naka sneakers lang din ako. Simple lang ako pumorma at hindi din ako mahilig sa mga girl stuff na yan. Simpleng baby powder, BB Cream at liptint lang okey na saken. Nakalugay din yung buhok ko na hanggang bewang.

Pagbaba ko ay nakain na silang lahat. Napatingin ako kay JB, hindi ko akalain na nakatingin din pala sya saken medyo naiilang ako kaya naman umupo na ako sa tabi ni Jackson para kumain.

Natapos na kaming lahat kumain, tapos ko na din linisin ang pinagkainan namin. Lahat sila ay nag aayos na para mamaya ay aalis na lang kami.

Maayos na ang lahat at ngayon ay naghihintay na lang kami ng sasakyan na maghahatid samin sa JYP.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang sasakyan kaya naman nagsakayan na kami. Katabi ko si JINYOUNG na kanina pa hindi naimik na tila tahimik lang ito kanina pa. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka wala lang ito sa mood ngayon.

Nakarating na kami sa JYP, nandito na din kami sa Dance Practice room. Nagpaparactice na sila para mamaya sa last day promotion nila. Habang nag papractice sila ay umupo muna ako sa sofa at tumabi naman saken si Unnie jenny.

"Anong meron?" Saad nito. Huh? Anong sinasabi nito ?

"Huh? Bakit?" Tanong ko din dito.

"Bakit ganyan yang mga alaga mo? Parang walang energy." Saad nito kaya naman tumingin ako sa mga boys. Oo nga parang wala silang energy ngayon, kaya pala tahimik sila kanina pa. Bakit kaya?

"Ah.. kanina pa sila ganyan. Wait lang." Saad ko at tumayo ako.

"Bakit ? Anong gagawin mo?" Saad nito.

"Bibili lang ako ng coffee para naman kahit papaano ay may energy sila para mamaya." Saad ko. Hindi kasi bagay sa kanila ang walang energy.

"Oh sige.. pero teka lang. May pera ka ba? Wait lang binigyan kita." Saad nito at aktong tatayo na sa kinauupuan nya pero pinigilan ko lang.

"It's okey. My treat, sige na. Pag hinanap nila ako sabihin mo may pinuntahan lang ako." Saad ko.

"Oo sige." Saad nito.

Bumaba na ako mula sa Dance Practice room, ngayon ay naglalakad na ako papunta sa coffee shop. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko na naman ang bitch na babaeng nagtapon ng kape sa damit ko, pero ngayon ay may kasama s'yang 3 babae. Habang papalapit kami sa isa't isa ay ang sama na ng tingin nito saken. Pag lampas ko sa kanila ay may humawak sa kamay ko pero hindi ko ito nilingon.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon