Kabanata 106

2 0 0
                                    

KABANATA 106.

LESLIE'S POV.

"Si... si Nayeon yun ah?" Saad ni Racey kaya naman tumingin ako dito.

"Tsaka na natin pag usapan yan, kailangan muna nating madala sa kotse si Jill." Saad ko.

Kaya naman agad naglakad na muli kami.

Habang naglalakad kami ay dumating na ang mga pulis at meron ding ambulansiya

Nakarating na kami sa labas ng gubat at sinalubong kami ng mga paramedics at kinuha nila si Jill at isinakay sa stretcher at isinakay nasa ambulansiya.

Nandito na din si JB.

"Ako na ang sasama kay Jill, ito yung key ng car ko. Magkita na lang tayo sa hospital." Saad ni JB at iniabot nya saken ang susi.

"Sige.. magkita na lang tayo." Saad ko.

Kaya naman umalis na ang ambulansiya kaya kami ni Racey ay umalis na din at sumunod sa ambulansya.

"Racey, pwede bang tayong dalawa muna ang nakakaalam na si Nayeon ang may pakana nito, please? Tsaka na lang natin sasabihin  sa iba kapag okey na si Jill." Saad ko.

"S-sure.. makakaasa ka." Saad nito.

"Salamat." Saad ko ng nakangiti.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa hospital.

Hinanap agad namin ang room ni Jill.

Nangmahanap namin ay agad naming pinuntahan ni Racey ang room ni Jill at tsaka kami pumasok.

Pagpasok namin ay nandoon si Jaebeom at ang doktor na may kasamang 3 nurse na kausap ni Jaebeom.

"Maraming salamat po, dok." Saad ni JB at nakipag kamay ito sa doktor.

Lumabas na ang doktor at ang 3 nurse.

Kaya naman lumapit kami kay JB na nakaupo sa tabi ni Jill habang si Jill ay nakahiga sa hospital bed na mahimbing na natutulog.

"Kamusta na si Jill." Saad ko kay JB.

"She's fine now.. meron lang s'yang mga galos sa katawan at konting pasa. But she's fine." Saad ni JB.

"Are you Okey?" Saad ni Racey.

Yeah.. Im okey. Nahuli na naman yung tatlong mokong na yun eh. Ang problema lang ay hindi nila sinasabi kung sino ang nag utos nito sa kanila." Saad ni JB habang hawak ang kamay ni Jill at nakatingin ito sa mukha ni Jill na natutulog.

Nagkatinginan naman kami ni Racey at hindi na lang nagsalita.

"Ahm.. Alam na ba ito ng iba?" Saad ni Racey.

"Oo, sinabi ko na sa kanila ang nangyari. Mamaya nandito na sila... Leslie, Racey, thank you dahil tinulungan nyo ko mahanap si Jill.. dahil kung hindi dahil sa inyo ay baka hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Jill. Maraming salamat." Saad nito ng nakangiti.

"Wala yun.." Saad ni Racey.

Habang nag uusap kami ay tumawag saken si Jinyoung.

"Ah.. Racey, JB, I need to go. Hinahanap na kasi ako ni Jinyoung eh.. babalik ako dito." Saad ko.

"Sige.. ingat ka." Saad ni JB.

"Ahm.. JB, pwede ko bang mahiram ang kotse mo?" Saad ko.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon