Kabanata 71

25 1 6
                                    

KABANATA 71.

LESLIE'S POV.

Maaga akong nagising para magluto ng pagkain namin tsaka naisipan ko din na dalhan ng pagkain ang GOT6 dahil alam kong busy sila sa practice para sa Comeback nila.

Natapos na akong magluto kaya kumakain na kami ni Jinyoung. Hindi ko pa din sya kinakausap dahil gusto kong magpaliwanag sya saken kung bakit hindi nya sinabi saken kaagad.

Lumapit ito saken at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako dito.

"Galit ka pa ba saken?" Saad nito pero binalik ko muli ang aking atensyon sa pagkain. Pero hinarap ako nito kaya nagulat ako.

"Ano ba? Nakain ako." Saad ko dito at medyo malapit ang mukha nito saken.

"Galit ka pa ba saken?" Tanong nito habang nakatitig sa mata ko. Tiningnan ko ang mga mata nito, umiwas ako sa tingin nito at tinulak ito ng bahagya pero hindi ito nagpatinag.

"Eh bakit kasi hindi mo sinabi saken kaagad." Saad ko dito.

"Kasi alam kong hindi ka papayag kasi si Nayeon ang leading lady ko. Hindi ko naman gusto na si Nayeon ang leading lady ko eh, Si JYP hyung ang pumili sa kanya tsaka trabaho lang po ito.... Galit ka pa ba saken? Ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit saken?" Saad nito saken.

"Pag sinabi ko bang wag mong tanggapin yang project mo, gagawin mo ba?" Saad ko dito. Nakatitig pa rin ito saken.

"Ayan ba talaga yung gusto mo?" Saad ni Jinyoung.

"Oo." Saad ko dito.

"Fine.. gagawin ko para hindi ka magalit saken, para sayo gagawin ko lahat." Saad nito. Alam kong big opportunity ito para sa kanya, hindi ko kayang malungkot sya dahil sa gusto ko.

"Okey.. pumapayag na ako. Sinusubukan lang naman kita eh kung kaya mong isuko ang project na yan para saken and nakita ko naman na gagawin mo nga. Pumapayag na ako pero, please lang trabaho lang at walang personalan, okey? Kaya lang naman ako nagalit kasi hindi mo agad sinabi saken eh tsaka nabigla lang naman ako, ayoko namang pigilan ang pangarap mo kaya susuportahan kita sa anong gusto mo because I love you, isa pa iwasan mo na din ang sobrang selos huh? Trabaho lang nila yun kaya nandun sila sa bahay.. iwasan ang selos huh? Okey?" Saad ko dito. Ngumiti naman ito saken.

"Promise hindi ko na gagawin ulit yun. Thank you sa suporta." Saad nito at hinalikan ako sa noo.

"Kumain na tayo baka ma late ka pa sa practice nyo tsaka magdadala din ako ng pagkain para hindi na sila bibili sa labas ng pagkain." Saad ko dito.

Ngumiti lang ito saken.

Natapos na kaming kumain at nakapag ayos na din kami kaya umalis na kami papuntang JYP building at dala ko na din yung pagkain na niluto ko para sa kanila.

Nandito na kami sa Building. Nag park lang si Jinyoung pero nauna na akong pumasok sa loob dahil malamig dito sa labas.

Pagpasok ko ay inaasahan ko na talagang magkikita kami dito. Nakatingin lang ito saken kaya tinignan ko na lang din ito habang naglalakad kami palapit sa isa't isa. Nang malapit na ito saken ay iniwasan ko na ito ng tingin at nilampasan ko na lang ito pero sya ay hinawakan nya ang braso ko kaya tumingin ako dito.

"Long time no see, bitch.. Nandito ka ba para panoorin ang rehearsal  namin ni Jinyoung? Awww, ang bait mo namang Fianceè kasi makikita mo ang kissing scene namin, ooppss... Ang daldal ko talaga.. my bad." Saad nito. Nagulat ako sa sinabi nito, may kissing scene sa project nila? At may rehearsal sila mamaya para doon? Bigla akong nakaramdam ng inis pero hindi ko pinahalata kay Nayeon at nanatili lang ako sa walang emosyon kong nakatingin dito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon