Kabanata 103

13 2 0
                                    

KABANATA 103.

JINYOUNG'S POV .

Lahat kami ay maagang nagising at nakasakay na kaming lahat sa sasakyan. Bukod ang sasakyan ng BTS samin, ang mga girls ay mga antok pa kaya natulog ulit sila dito sa sasakyan.

Nakarating na kami ng Airport kung saan kami sasakay pauwi ng Seoul.

Nagising na ang mga girls pero si Leslie ay natulog ulit kaya naman hinayaan ko na lang ito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Mansion.

Pumasok kaming lahat sa Mansion at naabutan naming nakaupo sila Mommy at Daddy sa living area kasama ang mga parents ko.

"Nandito na pala ang ating mga anak.." Saan ni Mama. Kaya naman lumapit ako kay Mama at Papa tsaka ako bumalik sa mga noo nila. Ganun din ang ginawa ni Leslie kay Mommy at Daddy.

"Uhm.. Tito, tita, mauna na po kaming umuwi. Maraming maraming salamat po sa inyo." Saad ni JB hyung.

"Sige.. mag ingat kayo huh? Papahatid ko na lang kayo sa driver para safe kayong makauwi." Saad ni Dad.

"Salamat sa dahil nabigyan nyo kami ng time kahit na alam namin na busy kayo.. Sa uulitin mga anak." Saad ni Mommy na Naka ngiti.

"Sobrang nag enjoy po kami. Sige po, uwi na po kami.. Leslie, Jinyoung see you." Saad ni Mark.

Kaya naman hinatid namin ni Leslie sila sa pintuan ng mansion.

"Noona, salamat huh? Sobrang nag enjoy kami." Saad ni Yugyeom at yumakap ito kay Leslie.

"Noona, punta ka minsan sa bahay ha?" Saad ni BamBam.

"Oo naman.. Sige na, para makapag pahinga na kayo." Saad ni Leslie.

Lumapit naman si Ann, Alex, Racey at Jill kay Leslie at nag group hug sila.

Sumakay na sila sa sasakyan at umalis na sila. Ang BTS ay hindi na dumaan dito sa mansion dahil nga sa nangyari sa beach.

Pumasok na kami ni Leslie sa Mansion.

Umupo kami sa tapat ng mga parents namin.

Pag upo namin ay agad ng nagsalita si Papa.

"Hijo, balita ko pupunta ka ng Italy para sa project mo.." Saad ni Papa.

"Yes po, Pa." Saad ko.

"Anak, iiwan mo si Leslie? Di ba next Month na ang kasal nyo?" Saad ni Mama.

"Ma hindi--" saad ko pero naputol ito ng magsalita si Leslie.

"Mama, Papa, Daddy and Mom, napag usapan na namin ang tungkol dyan. Matutuloy po ang kasal namin next month, kaya don't worry about it." Saad ni Leslie ng nakangiti.

Totoo nga, talagang hindi na kayo bata. Oh sya, sige.. pero Jinyoung anak, pagkatapos na pagkatapos ng project mo sa Italy, uuwi ka din kaagad huh?" Saad ni Mama.

Ngumiti naman kami ni Leslie.

"Oh s'ya, magpahinga na kayo dahil alam kong pagod kayo.." Saad ni Daddy.

"Sige po, mom dad." Saad ni Leslie at niyakap nito sila Mommy at Daddy. Lumapit din ito kay Mama at papa at niyakap din ito.  Ganun din ang ginawa ko.

Sabay kaming umakyat ni Leslie papuntang kwarto.

Bago pa kami makapasok sa kwarto ay sumigaw pa sila.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon