Kabanata 60

42 2 2
                                    

KABANATA 60.

JINYOUNG'S POV.

Makalipas ang isang linggo ay aalis muna ako ng Korea. Pupunta kami nila Mama sa pilipinas para sa kasunduan.

Nandito na ako sa airport kasama ang members ko.

"Hyung, tandaan mo yung mga sinabi namin ah?" Saad ni Yugyeom habang hinihintay naming tawagin ang mga pasahero na pa biyaheng pilipinas. Nauna na sila Mama sa pilipinas para ayusin ang lugar kung saan kami magpupulong.

"Handa ka ba bang harapin si Leslie?" Saad naman ni Mark hyung.

"Oo na--." Saad ko pero biglang sumingit si BamBam.

"Ano bang klaseng tanong yan? No choice naman si hyung eh. Isa pa, wala na s'yang magagawa dahil magkikita at magkikita pa rin sila ni Noona Leslie." Saad ni BamBam.

"Excuse me lang noh? BamBam, ikaw ba ang tinatanong ko?" Saad ni Mark hyung.

"Ah. Sorry hehe." Saad ni BamBam tapos ay nag peace sign pa ito.

"Ayan. Wag ka kasing basta basta sasagot." Pang aasar pa ni Jackson.

"Handa na akong harapin si Leslie. Handa na din ako kung anong mangyayari pag nalaman nya na ang hinahanap nya ay nasa tabi nya lang. Kinakabahan din ako dahil baka magalit sya saken. Pero kaya ko ito at salamat sa mga payo nyo." Saad ko sa mga ito.

"Basta kapag nagkaproblema kayo, wag kayong mahihiyang lumapit samin huh? Tsaka wag nyo din kakalimutan tumawag samin.." Saad ni JB hyung.

Biglang nagsalita ang Announcer ng Airport kaya naman kinuha ko na ang maleta ko.

"Hyung mag iingat kayo huh?" Saad naman ni Yugyeom.

"Salamat. Kayo din mag iingat kayo, babalik agad ako kapag ikakasal na kami. Tatawag ako sa inyo kung kelan ang kasal. Sige mauna na ako. Bye." Saad ko sa mga ito. Nag wave naman ako sa kanila. Pero lumapit saken su Mark hyung.

"Jinyoung, pinapaubaya na namin sayo si Leslie. Pero kapag pinaiyak mi sya at sinaktan, babawiin namin sya sayo. Ingat ka." Saad ni Mark hyung.

"Pangako, gagawin ko ang lahat at hindi hindi ko sya papaiyakin at sasaktan." Saad ko at tumalikod na ako sa mga ito at naglakad na papasok sa loob ng Airport.

Nalulungkot ako dahil matagal tagal din akong mawawala sa Korea at mawawalay ako sa GOT6.

Nag paalam na din ako kay JYP hyung pero nagulat ako dahil alam nito ang tungkol dito. Nag punta pala si Leslie at Alex dito para nag paalam at sinabi naikuwento din saken ni JYP hyung ang sinabi ni Leslie at sinabi ko din kay JYP hyung ang lahat at naintindihan naman nya ako.

Nakasakay na ako ng eroplano at nasa tabi ako ng bintana. Apat na oras lang naman ang biyahe kaya maaga akong makakarating sa Pilipinas.

Habang nakasakay ako sa eroplano ay nag headphone ako at natulog dahil matagal pa naman ang biyahe.

Nagising na lang ako ng may narinig akong ingay mula sa announcer ng eroplano at sinasabi nito na nakalapag na ang sinasakyan naming eroplano sa pilipinas. Kaya naman tumayo na ako at kinuha yung bag ko, naglagay din ako ng mask at cap para kahit papaano ay hindi ako ma-notice ng mga fans.

Paglabas ko ng eroplano ay tinawagan ko kaagad si Mama para sabihin na nandito na ako sa pilipinas. Merong nag hihintay saken na Van na black sa labas ng Airport at saktong paglabas ko ay nakita ko na ang Mayordoma ng bahay namin dito sa pilipinas.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon