Kabanata 49

28 2 2
                                    

KABANATA 49.

LESLIE'S POV.

Makalipas ang isang linggo, isang linggo akong hindi na labas ng mansion. Sobrang lamig kasi at ano namang gagawin ko sa labas? Naging busy si Alex sa work nya at ngayon na lang sya umuwi dito dahil maghahanda daw sya para sa High Seoul Award.

Nakain kami ni Alex at habang nakain kami ay may uusap kami.

"May isusuot ka na ba para sa Award night?" Tanong nito saken.

"Yes. Casual lang na dress ang isusuot ko katulad nung sa GDA." Saad ko kay alex.

"Ano ka ba? P.A tayo kaya dapat elegante ang isuot natin." Saad naman nito.

"Para saan pa? Eh dun lang naman tayo sa harap ng Audience uupo, masasayang lang ang magandang dress na isusuot ko kung dun lang tayo uupo sa audience. At isa pa, P.A tayo at hindi artist. Assumera." Saad ko dito.

"Hindi ako assumera. May award kasi ang mapipiling pinakamagandang makikita sa camera. Pipili sila randomly kaya kailangan maghanda noh?" Saad naman nito. Napa smirk naman ako sa sinabi nito.

"At sa tingin mo naman mapipili tayo? Eh ang dami kayang magagandang tao dito sa Korea." Saad ko.

"Ang nega mo noh? Basta ako, maghahanda pa din ako. Bahala ka kung ayaw mo." Saad nito. Napailing na lang ako sa sinabi ni Alex. Puro talaga sya kaartihan.

Natapos na kaming kumain at umakyat muna ako sa kwarto ko dahil gusto kong magbabad sa Bathub dahil sa sobrang lamig ng panahon. Pinahanda ko na yung Bathub kanina para pag akyat ko ay magbababad na lang ako. Pagpasok ko ng kwarto ay tumunog yung phone ko na nakapatong sa kama, kinuha ko iyon at tiningnan. Nakatanggap ako ng message mula kay Mr. JYP, isang imbitasyon ang nakalagay sa message at sa susunod na araw na ito sa may JYP rooftop 8:30 ng gabi. At pagkatapos ng birthday party ni JYP ay Award night na kinabukasan.

Inilapag ko na lang ang phone ko sa kama at pumunta na ng C.R para magbabad.

Hays ang sarap magbabad lalo na pag medyo mainit ang tubig.

Maya maya pa ay biglang may kumatok sa pinto ng Kwarto ko. Istorbo talaga itong si Alex.

Kaya naman tumayo na ako at nagsuot ng bathrobe at pumunta ako ng pinto ng kwarto ko at binuksan iyon.

"Ano ba Alex? Istorbo ka talaga sa pag re-relax ko. Ano ba yon huh?" Saad ko na may inis na tono.

"Basta halika dito. Bilis." Saad nito at hinila ako pababa ng naka bathrobe.

"Alex ano ba? Naka bathrobe lang ako.. ang lamig." Saad ko habang hinihila ako ni Alex pababa sa hagdan.

"Mamaya ka na mag relax pag Nakita mo kung sino ang nandito." Saad nito.

"Bakit ba? Sino ba ang nandito?" Saad ko dito. Nakarating na kami sa baba at dumetretso sa Living area. Napahawak ako sa dibdib ko dahil naka bathrobe lang ako at kaharap ko pa si Mark.

"M-mark? A-anong ginagawa m-mo dito?" Tanong ko dito. Paanong hindi ka nauutal eh ang pogi pogi ng kaharap ko tapos naka bathrobe lang ako. Feeling ko nga namumula na ako dito eh. Sabay mo pa ang porma nya na Naka shirt tapos may Hoodie na naka denim pa na jacket.

"O sige, maiwan ko muna kayo huh? Papahanda ko din yung meryenda natin.. este meryenda nyo pala." Saad ni Alex at iniwan na nya kami.

"Pasensya ka na kay Alex huh? Ikaw naman kasi bigla kang dumating.. May kailangan ka ba?" Tanong ko dito ng nakangiti. Eh kasi nakangiti si Mark saken eh kaya nginitian ko din.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon