TMG1

3.7K 85 10
                                    


Pagkababa ko sa kotse dala ang aking maleta ay napatingin ako sa malaking bahay na nasa harap ko. Maganda sya at mukhang maaliwalas dahil may mga puno at tanim na halaman na nakapaligid sa bahay parang nasa probinsya pa rin pala ako.

"Oh nandito kana pala, Yulie. Halika pasok na dito." tawag sa akin ni tita.

Kinuha ng isang katulong ang maleta na hawak ko kaya nag thank you ako bago lumapit kay tita. Niyakap ako nito ng sobrang higpit.

"Tita, kamusta ka? Namiss kita"

Ngumiti naman si tita at iginayak na ako papasok.

"Your tita is still pretty. how about you, yulie?"

"Okey lang naman po tita"

"Ang tangkad mo na, yulie. Gumanda na rin ang hubog ng katawan mo at lalo kang gumanda." namamanghang saad ni tita habang sinusuri ako.

"Grabe ka naman tita." natatawang sabi ko.

Biglang tumunog ang cellphone ni tita at napatingin sa akin.

"I need to go, yulie. Your tito is waiting for me. Iiwan na kita sa kuya wren mo."

Tumayo kami at niyakap ko muli si tita.

"Mag ingat po kayo ni tito. Have a safe flight po."

"Okey. by the way ayos na pala ang mga school papers mo. Pwede ka nang pumasok bukas."

"Thanks tita"

Matapos ang chikahan namin ni tita ay hinatid ko na sya sa pintuan ng biglang may sumigaw.

"Mom! What happened to my card? What did you-----"

Napahinto si kuya wren sa pag takbo pababa sa hagdan ng makita ako. Agad itong lumapit sa akin at sinuri ako.

"Yulie?"

Nag tatakang tumungo ako at na bigla ako ng niyakap ako ni kuya wren ng mahigpit.

"Wow dalaga kana, yulie. Kanina ka pa?"

"H-hindi naman mashado kuya."

Ngumiti naman ito sa akin bago bumaling kay tita.

"Mom. What did you do to my card?" sabay pakita nito ng credit card nya kay tita.

Nag taas naman ng kilay si tita.

"Pinabawasan ko sa dad mo dahil hindi ka dito umuuwi. Ikaw wren baka gusto mo ubusin ko laman ng card mo!" banta ni tita "Bantayan mo yang si yulie dahil kapag may nangyari dyan ikaw malalagot sa akin!"

Napakamot naman ng batok si kuya wren.

"Uuwi na ko araw-araw but ---"

"No more buts! I'm leaving"

Sumenyas muna si tita sa akin bago pumasok sa kotse at umalis.

--

Nakabihis na ako at hinayaan ko na nakalugay lang ang hanggang bewang kong buhok.

Lumabas na ako sa kwarto ko at naabutan ko si kuya wren na nasa sala habang nag cecellphone.

"Tara na?" tanong nito sa akin.

Sa totoo lang ay parang kapatid na ang turingan namin ni kuya wren. Sobrang close namin noon hanggang ngayon. Kahit na apat na taon kaming hindi nag kita ni kuya wren ay hindi nawawala ang pagiging close namin sa isa't isa. Kagabi nga doon ako na tulog sa kwarto nya kahit ayaw nya dahil hindi na daw kami bata pero shempre dahil na miss ko sya sobra ay doon parin ako na tulog.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon