"Aw aw masakit, yulie." daing ni ash.Nandito kami ngayon sa kwarto ko at ginagamot ang sugat nya sa mukha nya.
"Teka isa na lang"
Dahan-dahan kong dinampi ang bulak sa sugat nya sa ilong kaya napadaing na naman ito. Iniligpit ko na ang gamit matapos ko syang gamutin.
Kinuha ko yung band-aid at nilagay sa kanyang ilong.
"Tapos na?"
"Oo."
*Tok!*
*Tok!*
*Tok!"
Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Pumasok naman agad si kuya wren at tinignan si ash na kasalukuyan na nakaupo ngayon sa kama.
"Okey kana?"
"Yeah, muntik na naman masira ang gwapo kong mukha." sabay tawa nito kaya wala sa oras na napaismid ako.
"Good. Dito ka ba matutulog samin?"
"Yeah, doon ako sa kwarto mo. Tabi-tabi tayo katulad dati."
"No way, baka sa kwarto ko pa kayo mag sira." sabay pamewang ni kuya. "Dito ka na lang sa kwarto ni yulie. Mag dadala ako ng panlatag mo sa sahig."
"Yeah, bahala ka."
Humarap naman sa akin si kuya wren at lumapit.
"Mag luto kana, yulie."
"S-si ivo ba umuwi na?"
"Nope, he'll stay here."
Nag paalam na si kuya kaya ako naman ang bumaling kay ash.
"Dito ka muna ah. tatawagin kita pag luto na o kaya dadalhan na lang kita-----"
"Tutulong ako mag luto."
"Hindi ka nga pwedeng lumabas."
Pero dahil sa katigasan ng ulo nya ay sumama parin sya sa akin mag luto. Nandito kami ngayon sa kitchen at nag aasikaso ng lulutuin. Sya ang taga-hiwa samantalang ako ay nakamasid sa kanya.
"Mali yan ash! Dapat hindi mashadong malaki!" sigaw ko dahil sa maling pag hiwa nito ng karots.
"Really? Gaano ba kalaki?"
Kinuha ko naman ang kutsilyo at ipinakita sa kanya kung gaano kaliit ang hiwa.
"Alright, Alright. I got it."
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin namin ang pag luluto ng minudo at sinigang.
"Wow, ang bango naman"
Natawa naman ako kay ash dahil parang bata itong inaamoy ang usok na nanggagaling sa niluto namin. Tinulungan nya akong mag lagay ng mga kubyertos sa lamesa.
"Tatawagin ko na sila."
Tumungo naman sya kaya nag martsa na ako papuntang sala. May isang lalaki na inilalagay ang bagong tv kaya napalingon ako kay kuya.
"Pinalitan ni carl." Bulong nya matapos tumabi sa akin.
"Kuya, kakain na tayo."
"Luto na yung pagkain. Tara na." yaya ni kuya.
Naunang lumapit sa amin si jasper sunod naman si carl. Nag taka ako kung bakit ayaw gumalaw ni ivo sa kanyang pwesto. Nakaupo ito sa sofa habang ang mga braso nya ang nakakrus sa dibdib nya at nakangusong nakatingin sa nag aayos ng t.v.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
ФэнтезиCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.