TMG11

1.4K 49 5
                                    

ISANG LINGGO na ang nakalipas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si ash. Isang linggo ko na rin syang hindi nakikita sa school.

Ano kaya ang nangyari doon?

Ay ang bobo mo yulie.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ni ash na nakasaved sa galery ko. Simula nang ibigay nya sa akin ito hindi ko pa sya naitetext.

Nag ring ng ilang beses iyon bago nya sagutin.

"Hello? Who's this?"

Bagong gising yata.

"Ash"

"Yulie?!"

"Oo"

"Bakit napatawag ka? may problema ba?"

narinig ko sa kabilang linya ang tunog ng mga gamit.

"Wala naman. Ano kasi.. Parang hindi kasi kita nakita sa school."

"Ah, yeah. Nasa states ako dahil biglaan. Bakit, miss mo na ako?"

"Hindi ah. Asa"

"Ouch. By the way nakauwi na pala ako. Bukas papasok na ako kaya makikita mo na rin ako. ahahahaha"

"Baliw ka talaga. Nag alala lang kasi ako baka kung ano nang nagyari sayo."

"Wala sa akin mangyayaring masama yulie."

Mag sasalita pa lang sana ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ah sige ash bye na muna. May gagawin pa pala ako."

"aah sige bye."

Pinatay ko na ang tawag at nag tungo sa may pinto. Pag bukas ko ay nakita ko si kuya wren na nakajersey habang may hawak na bola.

"Alis muna kami. Saka linisin mo na rin yung kwarto. Bibigyan kita ng 20 thousand."

"T-talaga?!"

"Yeah. Deretso na sa card mo."

"Saan ka kumuha nun?"

"Kay carl galing yun." sabay ngisi nito.

Umalis na sya kasama ang dalawa nyang kaibigan na nag stay dito for almost one week. Yeah, isang linggo sila nag stay dito sa bahay.

Matapos kong maligo ay syang sulpot naman ni matt sa kama.

"Saan ka galing?"

"Sa labas. Nakita ko na naman yung matanda."

"T-talaga?"

"Oo. Pero hindi naman yata ako nakita."

"Matt pwede pa favor?"

"Yes, what is it?"

"Pwede tulungan mo ko mag linis sa kwarto ni kuya wren?"

"What?!" kunot noong tanong nito at tumayo sa kama.

"Sige na please?" sabay hawak ko sa braso nya.

"Matapos nila mag kalat tapos papalinis sayo?"

"K-kasi may premyo naman. Saka sobra pa nga yung bayad"

"Bayad? What the heck?"

"May twenty thousand kasi ako pag ni linis ko."

"Yulie!"

----

Hawak ko ang garbage bag na puro laman ay kalat nila kuya. Si matt? Ayun walang nagawa kung hindi tulungan ako. Pinalabas nya muna ako kasi sya ang nag alis ng mga alikabok at mga dumi sa lapag.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon