TMG27

1.1K 39 15
                                    


Matapos namin kumain ni ash ay bumalik na rin kami sa room. Nadatnan namin na nandoon na sa upuan si ivo. Tahimik kaming dalawa na naupo.

"May quiz ba ngayon?" bulong ni ash.

Pumasok na ang aming guro at inayos nito ang dalang mga papel.

"Oo. bakit? Hindi ka nag review?" tanong ko dito.

"Hindi eh. Nag praktis kami kahapon."

Napanguso naman ako at tumungo.

"Anong ibig sabihin nyan, yulie?"

"Ako nang bahala" saad ko.

Ibinigay na sa amin ang mga test paper na 1 to 30. Hindi lang basta quiz ito dahil malaki rin ang percent nito sa aming grade. Pinasa sa akin ni ash ang test paper at pinasa ko naman kay ivo ang isa. Padabog nitong kinuha ang test paper at nag simulang mag sagot.

May kinausap naman ang guro namin sa may pintuan kaya nilingon ko si ivo. Nag simula na akong mag sagot at nang matapos ko na ay napalingon ako kay ash na tahimik at walang sagot. Inilagay ko ang name nya sa test paper ko at mabilis na kinuha ang kanya. Buti na lang pala wala pang name nya.

Taka itong napatingin sa akin pero tinunguan ko na lang sya. Napatingin ako kay ivo na name pa lang ang nalalagay at blanko ang test paper nya. Walang sabing inagaw ko sa kanya iyon sinagutan ng mabilis. Nasa kalagitnaan ako ng pag sasagot sa akin ng may tumunog sa table sa harap hudyat na ipapasa na ang test paper. Ipinasa ko na nang sabay ang test paper namin tatlo at naupo muli sa upuan.

Nakakunot ang noo ni ivo habang nakatingin sa bintana. Si ash naman ay nag lalaro ng mobile legend sa cp nya.

"Ayokong may babagsak sa inyo dito dahil tinuro ko nang mabuti ito. Kapag may bumagsak isa man sa inyo ay malalagot sa akin bukas." sabay alis nito.

Kinabahan agad ako sa sinabi ni maam at hinanda na ang sarili ko para bukas. Nasa sampu pa lang kasi nasagutan ko. Lagot na.

Sumunod na nag turo ay si miss raquel. Nilingon ko ng palihim si ivo at tama nga akong nakatingin na sya kay miss raquel. Katulad noon ay nakangiti parin itong mag turo. Lahat ng studyante ay nakikinig sa kanya pwera lang kay ash na nag lalaro parin. Hindi ko alam kung bulag ba si miss raquel o ano. Si ash kasi ay halatadong nag lalaro pero hindi nya sinisita. Siguro kasama sa kabaitan nya iyon.

"I'll pair you to two and you need to perform it on this coming friday, are we clear?"

"Yes!" sigawan ng mga kaklase ko.

"Good. So, lets start. Bubunot ako ng name nyo at kung sino mabunot ko ay magiging partner nyo. Oh wait, this is not only for partner meron pa kayong individual perform. Since music tayo nakafocus ay about music lang guys."

Sumangayon naman ang lahat kaya na upo na si miss raquel sa upuan nya. Nag simula na syang bumunot at mag partner. Nasa kalagitnaan ng pag tawag si miss raquel ng biglang tumayo si ash. Lahat kami ay napatingin sa kanya ng isakbit nya ang bag nya. Tumigil sya sa harap ni miss raquel.

"I have to go. May praktis pa kami at hindi ako sasali dyan. You know that i hate music." saad nito bago lumabas sa room.

Natigilan kaming lahat at napatingin ako kay ivo. Nakatingin ito sa bintana habang nakasarado ang kamao. Halatang nagalit sa inasta ni ash kay miss raquel.

Matapos ang klase ay umalis na ako sa room. Hindi ko na muna sya kinausap tungkol sa music. And yes, hindi ko alam kung pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana. Sa dinami-dami bakit kami pa ni ivo ang partner? Nakakainis di'ba?

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon