TMG19

1.1K 46 2
                                    

6:40 na nang saktong makasakay kami sa ferris wheel. Nasa harap ko nakaupo si matt habang nakangiti ito sa akin.

"Yul, this is the best gift ever." nakangiti nitong saad.

Napangiti din ako sa kanya at gusto ko man sabihin na kinikilig ako ay pinili ko na lang maging masaya.

Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan si matt.

"Dito ka matt." sabay tap ko sa tabi ko.

Napakunot naman ng noo ito bago ngumisi. Tumabi ito sa akin at isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Dito na lang tayo hanggang mamaya."

"Baliw ka talaga, matt."

"Sana hindi ko na lang nalamana, yul."

Ang kaninang ngiti ko ay nawala agad. Napaiwas ako ng tingin at tinignan na lamang ang kabuuan ng amusement park.

"May pag-asa pa naman diba? Hindi ko pa naman na aalala kung sino at kung bakit ako na coma. Yul, wala na akong balak alalahanin iyon."

Agad akong napayingin dito. Umayos sya ng upo at tinignan ako.

"No, matt. Kailangan mong mabuhay! kailangan mong maalala ang lahat."

"Pero paano ka, yul? Paano yungsa atin?"

Napaiwas muli ako ng tingin at napatingin sa kamay ko.

"Isa lang ako at marami sila."

"Pero -----"

"Matt! Hindi nga pwede!" inis na sigaw ko.

"Okey, fine. Wag ka nang magalit." saad nito.

Napatingin naman ako sa kanya at pilit na ngumiti. Saktong nasa tuktok na kami ng huminto ang pag-ikot ng ferris wheel.

Naramdaman ko na hinawakan ni matt ang kamay ko kaya naoatingin ako sa kanya.

"Tingin ka sa langit, yul." utos nito.

Napatingin naman ako sa langit at ilang saglit pa ay biglang may fireworks na nag putukan sa langit. Hindi ko maiwasan ang hindi matuwa dahil sa aking nakikita. Mahilig kasi talaga sa fireworks simula nung bata pa ako.

Naalala ko kung bakit ko na gustuhan ang fireworks. Kamusta na kaya yung batang yun? Sabi nya mag kikita pa daw kami eh.

"Ang ganda, matt" saad ko.

Pinicturan ko ang fireworks hanggang sa matapos na ito. Napangiti ako at itinapat sa amin dalawa ni matt ang camera.

"Ano yan yul?"

"Mag pipicture tayo." inosenteng sagot ko. "1, 2, 3"

*Click*

Tinignan ko yung kuha at nawala yung ngiti sa labi ko. Napat8ngin sa akin si matt at nakita nito ang picture.

"Tss yan lang eh." bulong nito. "Kailan ba ang birthday mo, yul?"

"Next-next month pa, bakit?"

"Wala. Basta gusto ko mag kasama tayo sa birthday mo" saad nito. "So, ilan taon ka na nun?"

"18" sagot ko. "Pero paano mo na sabi na magkasama tayo sa birthday ko?"

"Ayaw mo ba?"

"Shempre g-gusto."

"Yun naman pala eh." sabay gulo nya ng buhok ko.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon