TMG28

1.1K 47 0
                                    


Nakatingin kami lahat kay ivo at hinihintay na mag salita ito.

"Nope. I just want to go outside." sabi nito bago lumabas ng classroom.

Nagkatinginan kami ni ash at parehas nag kibit balikat. Sinakbit na namin ang bag namin parehas at lumabas ng room. Pumunta muna kami ng locker at nag palit ng P.E uniform.

"Bakit kasi sinabi mo yun?"

"Kaysa naman iwan kita, right? Ako nga lang dapat nandito pati si bestfriend eh." saad nito.

Napangiti naman ako at kinurot ang pisnge nya.

"Alam kong pogi ako pero wag mo naman ako panggigilan." natatawang sabi nito.

Matapos namin makuha ang panlinis ay dumeretso kami sa fifth floor ng building. Lahat ay may klase na kaya sinimulan na namin ni ash ang mag walis.

"Ako nang bahala dito. Umupo ka na lang sa tabi." utos nito.

"Tutulungan na kita." saad ko.

Matapos namin mag linis sa fifth floor ay sa fourth floor naman kami. Lagot talaga ako pag nakita ako ni kuya wren. Nandito pa naman naka-room silang tatlo. Lumipas ang ilang oras ng matapos na kaming mag linis. Napapikit ako at umupo sa may harap ng locker ko dahil sa pagod at hilong nararamdaman ko.

"Huy, okey ka lang?" tanong ni ash bago ito tumabi sa akin.

"Oo."

Nagulat ako ng idampi nito ang kamay nya sa noo ko.

"Ang init mo. May lagnat ka? bakit hindi mo sinabi?"

Hindi na ako nakapagsalita dahil nanghihina na talaga ako. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na lang na lumutang ako. Pag dilat ng mata ko ay buhat-buhat na pala ako ni ash.

"Anong ginagawa mo?"

"Dadalhin ka sa clinic."

Napahinto sa pag lalakad si ash at napatingin ako sa tinitignan nya. Si ivo iyon habang nakasandal sa pader at nakapamulsa ang mga kamay nito sa bulsa.

"Tara na." sabi ko kay ash.

Tumungo naman sya kaya nilagpasan na namin si ivo. Nang makarating kami sa clinic ay pinahiga ako nito. Inasikaso naman ako ng nurse.

"Papaalam lang sana muna ako, yulie." sabi nito habang hawak nya ang cellphone nya.

"Okey lang. Salamat nga pala sayo." sabi ko.

"Yeah, basta tawagan mo ko kapag may nangyaring hindi maganda."

Natawa naman ako dito bago sya hampasin sa braso. Pag labas nito ay pumikit muna ako. Ilang minuto pa lang ako nakapikit ng may maramdaman akong nakatingin sa akin. Idinilat ko ang mata ko at hindi ko inaasahan ang nasa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Napaupo ako at ikinumot hanggang sa leeg ko ang kumot.

"Nakita kasi kita with ash. So, kamusta lagay mo?" sabay lapit nito sa gilid ko at naupo sa upuan.

"Hindi kita kilala."

"Edi magpapakilala ako sayo."

"Wala akong balak kilalanin ka. Pwede bang umalis ka na lang?" inis na sabi ko.

"I'm mike perez, grade 12 section A."

"Hindi ko tinatanong." sabay ismid ko dito.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon