TMG42

1.4K 50 13
                                    


"Sige na yulie. Kailangan kong puntahan si doc." paalam ni kuya bago sya tumayo. "Ivo, ikaw muna mag bantay kay yulie"

Hindi sumagot si ivo at nanatili lamang na nakatingin sa akin. Lumabas na si kuya bago sya nag tungo palapit sa akin.

"M-may masakit ba sayo?" tanong nito.

Naupo ito sa tabi ko at napatingin sa hawak ko.

"W-wala" nakayuko kong sabi at dumeretso ng upo.

Napaiktad ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Y-yulie---"

"B-bakit?"

Pero imbis na sagutin ako nito ay bigla ako nitong niyakap. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito habang mahigpit ako nitong yakap.

"B-bakit kaba ganyan? b-bakit parang napakahalaga mo sa akin? bakit napakalakas ng impact mo sa akin? Ano bang meron sa iyo?" bulong nito.

"H-hindi kita maintindihan ivo"

Kumalas ito ng yakap at hinalikan ako sa noo. Tumingin ito sa aking mata at bahagyang ngumiti.

"Sobrang saya ko yulie. Sobrang saya ko dahil gising kana"

Natulala ako sa kanya pero nawala iyon ng biglang may pumasok. Sabay kaming napalingon ni ivo kay kuya wren na may dalang prutas.

"H-hoy ivo!" sigaw ni kuya "Kakagising lang ng kapatid ko pumipila kana!"

Agad itong lumapit kay ivo at kinwelyuhan. Tinaasan naman sya ng kilay ni ivo.

"Ano naman ngayon, wren?" tanong nito.

"Hoy pinsan ko si yulie!" sigaw ni kuya na animoy malayo ang kausap.

"So? may problema ba doon? Edi liligawan din kita kung gusto mo"

Bahagya akong natawa sa sinabi ni ivo.

"Wag kang tumawa dyan yulie!" baling ni kuya sa akin kaya napatikom ako ng bibig "Ikaw ivo kilala na kita! Sandamakmak ang babae mo! Ngayong wala na kayo ni raquel wag mo isun----"

"Kilala mo nga ako, wren. Matagal na nung huli akong nang babae. At kilala mo ako pag nag kagusto ako sa babae" nasilayan ko ang nakakaloko nitong ngisi bago ako lingunin "Sigurado na ako kay yulie, wren." tumingin ito kay kuya at inalis ang pag kakahawak sa kanya "Lalaban ako ng patayan sayo makuha lang ang gusto ko"

"Hoy! Anong sinasabi mong patayan!" sigaw ko.

Natawa naman ivo at inakbayan si kuya wren. Nakasimangot si kuya wren at itinulak si ivo.

"Shempre joke lang yun, wren" natatawang sabi ni ivo "Ikaw muna liligawan ko bago si yulie" sabay tingin sa akin ivo.

"Hindi ako ang liligawan mo, ivo. Ang parents ni yulie ang ligawan mo muna" seryosong sabi ni kuya saka ito na upo sa tabi ko. "Tulungan na kita makabalik sa higaan mo" sabi ni kuya.

Tumungo naman ako sa kanya kaya ikinarga ako nito. Si ivo naman ay nakamasid lang sa amin ni kuya wren.

"Yulie, anak"

Napalingon kami ni kuya kila mama na kakadating lang. Masaya ko silang sinalubong ng kayap at ganun din sila. Sila kuya at ivo at nanatili sa sofa habang nanonood. Pinag uusapan nila ang tungkol kay miss raquel. Hindi ko maintindihan kung bakit parang wala lang kay ivo ang nangyari kay miss raquel. Mukha rin itong galit kay miss raquel dahil sa nangyari.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon