Two months later.Yes, Its been a months. Dalawang buwan na rin akong nag titiis kay ivo. Sa totoo lang ay ako talaga ang nag asikaso sa kanya dahil aksidente akong nakita ng dad nya, which is yung may ari ng school. Inutusan ako na ako na lang daw ang mag alaga sa anak nya kapalit daw ng libreng pag papaaral sa akin. Shempre i grab the opportunity. Gusto ko rin naman na nasa tabi lang ako ni ivo habang wala si miss raquel.
Dalawang buwan na puro utos, sigaw, at masasakit na salita ang binigay nito sa akin. Shempre nag feeling malakas ako at matatag sa harap nya pero kapag nakatalikod na ako ay doon ko na ibinubuhos ang emosyon ko. Mahirap. Dahil akala ko ay tutulungan nya ako pero mukhang ako lang yata ang lumalaban.
At nandito na ako ngayon sa gate. Ngayon na rin ang araw ng pasok ni ivo. Kahit na sobrang late na sya ay pinayagan parin syang pumasok since nasagutan nya ang mga papers na ibinigay sa kanya.
Hinihintay ko ngayon si ash dahil sabay daw kami pumasok. Nag iba kasi ng section at swerte na naging classmate ko sya pati si ivo. And yes, mag kaklase silang dalawa.
"Yulie!"
Napaiktad ako sa malakas na sigaw sa gilid ko. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit inakbayan lamang ako nito at iginayak lumakad.
"Bakit ba ang hilig mong mang-gulat?" inis na tanong ko.
"Hindi kita ginugulat, yulie. Mashado ka lang kasing magugulatin." natatawang sabi nito.
Inalis ko ang pagkakaakbay nito sa akin at sinamaan sya ng tingin. Paano ba naman kasi lagi nya akong inaakbayan kaya ang mga studyante sa paligid namin ay gumagawa na nang storya.
"What?" inosenteng tanong nito habang nag pipigil sya ng tawa.
"Ako ash pag talaga ako sinugod ng mga fangirls mo totorturin kita." nanggigigil kong saad.
"Hahaha don't worry about that yulie." natatawa nitong sabi bago ako akbayan. "Akong bahala sayo kapag may nangaway sayo" sabay kindat nito at pisil sa pisnge ko.
"Masaya ka huh?" tanong ko habang pisil-pisil nito ang kaliwa kong pisnge.
"Oo. Bagay pala sayo oh." sabay hila pa nito ng pisnge ko.
Hindi ko na nakayanan ang sakit sa pag pisil nya ng pisnge ko kaya dalawa nyang pisnge ang inabot ko at hinila. Matangkad kasi si ash hanggang balikat nya ako kaya nakatingala ako sa kanya.
"Ano? Bitaw!" saad ko dito.
Pero imbis na bitawan nya ang pisnge ko ay hinila nya pati ang kanang pisnge ko.
Masakit sya, promise.
"Mashakit yulie!" sigaw nito pero hindi sya bumibitaw sa amin.
Para na kaming bata sa gitna nang hallway habang hawak namin ang mag kabilang pisnge.
Natawa naman ako sa itsura ni ash dahil bahagya na itong nakanguso. Nasasaktan na pero ayaw parin nyang bumitaw.
"Is this a playground?"
Parahes kaming natulala ni ash sa malamig na boses sa gilid namin. Dahan-dahan namin inalis ang parehas naming kamay sa pisnge at sabay na humarap.
At para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita namin kung sino ang nasa harapan namin dalawa. Yung mga studyante naman ay nag bubulungan na sa paligid namin.
"Let's go, babe." tawag nito kay ivo.
Napunta kay miss raquel ang paningin ko pero nakayuko na ito at sinundan ko ng tingin ang kamay nya at para akong nanigas ng makita kong magkaholding hands silang dalawa ni ivo. Umiwas agad ako ng tingin at tumingin na lamang kay ivo na ngayon ay masamang nakatingin sa aming dalawa ni ash.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.