Lumipas ang ilang araw at ngayon na ang pinakahihintay ng lahat. Ang araw na mag lalaban ang black eagle at red tiger team.
Matapos kong mag ayos ay inaasahan ko nang hindi ko na maabutan si kuya wren sa kitchen. Katulad nga ng sinabi ko ay wala na sya. Maaga daw silang magpapraktis ngayon para sa laban ng dalawang grupo.
Matapos kong kumain ay dumeretso na ako sa labas. Nilakad ko na lang papuntang school dahil maaga pa naman.
Kamusta kami ni ivo? Like what did he say ay wala nang nanligaw sa akin. Si mike? Minsan na lang sya pumasok. Sabi nya ay may problema daw syang inaayos. Hindi ko na tinanong kung ano iyon.
Nang makarating ako ay pumasok na agad ako sa room pero wala akong naabutan doon. Lumabas na lang muna ako at saktong nakita ko si danica. Kung nakakalimutan nyo ay sya yung kaibigan ni ran na kapatid ni ivo.
"Ate, yulie!" sigaw nito at kumaway sa akin.
Hinintay ko syang makalapit sa akin bago kami sabay na nag lakad.
"Buti nakita kita. Hinahanap ko kasi si carl. Nakita mo ba sya, ate?"
"Si carl? Hindi eh. Baka nag papraktis pa iyon."
"Yun nga problema eh. Wala sya sa practice room nila. Nag aalala na ako baka napaaway na naman yun." nag aalang saad nito.
"Wait, do you like carl?"
Tila nagulat ito sa aking tinanong sa kanya.
"Amm.. opo. Actually matagal ko na po syang gusto. Sa totoo lang po ay stalker nya ako." nahihiyang sabi nito.
Napangiti naman ako at ginulo ang buhok nya.
"Don't worry mapapansin ka din nun."
"Talaga po? Pero mukhang imposible. Maganda po ang ex nya at walang wala po ako kung para doon." malungkot nito wika.
"Talaga? May ex dati si carl?"
"Opo. Nakipaghiwalay po yung babae. Kung ako sa kanya? Hinding hindi ko iiwan si carl." sabay ngiti nito.
"Someday he will notice you and he will love you like you did for him." pag papalakas ko sa loob nya.
"Ate yulie naman eh. Umaasa tuloy ako." natatawamg sabi nya.
"Wag kang umasa. Hintayin mo lang." saad ko.
"Sabi mo yan ate ah." Tumungo naman ako. "Ikaw ba, ate. Nag mahal kana rin ba?"
Para akong nanlambot sa tanong nya at dahan-dahan na tumungo.
"Oo, nag mahal na ako."
"Minahal ka rin ba?"
Napalingon ako sa kanya at ngumiti ng mapakla.
"Ewan, siguro o baka hindi. Hindi ko alam eh." natatawang sabi ko.
"Ayy.. ang ganda mo ate yulie at ang bait mo pa. Sa tingin ko naman mahal ka nun."
"Sana nga." nakangiting saad ko.
"Sana mahal tayo ng taong mahal natin." bulong nito.
"Sana nga." mahinang sagot ko.
Nakarating kami sa may court at buti na lang ay may space pa. Marami na rin ang mga studyante ang nanonood at may kanya-kanyang bandera.
"Ran!" sigaw ni danica.
Napalingon naman ako at nakita ko si ran at ang kuya nitong si darius. Naupo ang mga ito sa tabi namin.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.