Napangiti ako ng may kung anong malamig na bagay ang humahaplos sa paa ko pataas sa aking hita.Nakakakiliti kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti.
Nakapa ko ang unan at niyakap ito. Hindi ko pinansin iyong humahaplos sa hita ko. Pero habang tumatagal ay parang may kakaiba.
Napakunot na ang noo ko at hinihintay kung saan patungo ang bagay na iyon.
Nasa hita ko na ang bagay na ito at mabagal na umaakyat. Naramdaman ko na ang bagay na iyon sa singit na nakapagbigay ng malakas na kuryente sa aking katawan.
Doon na ako napaupo dahil sa gulat.
'A-ano yun?' takang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa hita ko.
Tinignan ko ang cellphone ko at alas tres pa lang ng madaling araw.
Hinanap ko sa kama ko ang kumot kaya lang ay wala. Ang alam ko ay nag kumot ako dahil malamig. Asan yun?
"is this what you looking for?"
Dahan-dahan akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napako ang aking paningin sa lalaking nasa pinto habang hawak ang kumot kong nakasayad sa sahig.
Nalaglag ang panga ko sa nakita ko.
T-teka parang ito yung----
"Yahhhhh!!!" sigaw ko.
Pinagbabato ko ito ng unan at umilag lang ito habang tumatawa.
Nag sisisi na ako! Nag sisisi na akong sabihan sya ng maamo ang mukha! Nag kamali pala ako. Mukha syang rapist na gwapo. Oo, gwapo talaga. Wala eh, nag sasabi lang ng totoo.
Nang maubos na ang unan ay nilapitan ko ito kaya lang ay tumakbo ito. Nakuha ko ang libro ko at hinagis ko dito pero hindi natamaan.
"Ahhh!! anong ginagawa mo sa kwarto ko? Asan na yung video? ibigay mo sakin yung video!" sigaw ko dito.
Lumundag lundag ito sa kama ko habang inaasar ako. Agad akong lumapit dito pero agad itong umalis.
Ang bilis nya promise.
Huminto ito sa may pinto kaya napahawak ako sa dalawang tuhod ko habang sumasagap ng hangin dahil sa sobrang pagod.
Iniinis nya talaga ako.
Anong ginagawa ng katulad nya dito sa kwarto ko?
Nakita ko ang tsinelas malapit sa paa ko kaya kinuha ko ito at dahan-dahan na umayos ng tayo.
Ngumisi ito sa akin bago mag krus ng braso at sumandal sa pinto.
"Fight me, baby."
Nag igting ang panga ko sa sinabi nito at napahigpit ang hawak ko sa tsinelas ko.
Bumwelo ako ng pagkalakas lakas. Parang bumagal ang oras at sa tsinelas lang ako nakatingin patungo sa pwesto nung lalaking walang pinagbago ang ekspresyon.
"Yes!" sigaw ko.
Pero na laglag ang panga ko ng makita mismo ng dalawa kong mata kung paano ito mag laho at kung paano bumukas ang pinto.
*blaaaaggggg*
Natutop ko ang bibig ko nang bumungad si kuya wren habang nakapikit. Bakas sa mukha nito ang inis dahil sa pag tama sa kanyang noo ng tsinelas ko. Nakahawak pa ito sa doorknob ng mahigpit.
"What the hell, yulie? Explain.this.to.me" sabay dilat nito at binigyan ako ng nag liliyab na titig.
Nahirapan pa akong lumunok dahil sa kaba. Kinuha ni kuya wren ang tsinelas ko sa lapag bago pumasok. Palapit ng palapit ito sa akin at parang maiihi na ako sa takot. Iginala nito ang kanyang paningin sa buomg kwarto ko at nakita ko ang pag igting ng panga nito.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.