Its been a three days ng makilala ko nang husto si mike. Mabait pala sya at medyo maloko lang. Sa tatlong araw na iyon ay sya ang kasama ko. Busy kasi sila ash at sila kuya kaya si mike ang lagi kong kasama.Matapos kong mag paalam kay kuya ay nag lakad na ako patungo sa room. Napahinto ako sa pag lalakad ng may humarang sa akin. Napakunot ako ng noo ng may isang lalaki ang may hawak na bulaklak. Binigay nya iyon sa akin bago umalis. Nag tataka akong napatingin doon sa lalaki bago mag simulang mag lakad. Nakaka-ilang hakbang pa lamang ako ng may humarang muli sa akin. Binigyan din ako nito ng bulaklak at umalis din agad sa harap ko. Nakapitong rosas na akong rosas na hawak at kahit tanungin ko man ang mga ito ay walang nag sasalita.
Napaiktad ako sa pwesto ko ng sumulpot si mike. Nakatingin ito sa hawak kong mga rosas bago sa akin tumingin.
"Sa manliligaw mo yan galing?" nakangising tanong nito bago ako sabayan sa pag lalakad.
"Ewan. Pero yung totoo? Hindi ba sya napapagod sa ginagawa nya? Nag sasayang lang sya ng pera." nakangiwing saad ko.
"Kaya nga nangliligaw eh."
"Pero hindi naman kailangan gumastos para lang manligaw."
"So, pinapayagan mo nang manligaw yang secret admier mo?" sabay taas baba ng kilay nito sa akin.
Napaiwas naman ako at tinignan ng mga rosas.
"Bakit hindi? Nag effort naman sya eh."
"Mmm..goodluck." saad nito.
Napatigil kami parehas ni mike sa paglalakad ng may humarang sa amin. Pag taas ko ng mukha ko ay awtomatikong bumaba ang paningin ko sa mag kahawak nilang kamay.
It was ivo and miss raquel. Magkaholding hands silang dalawa.
"Are you courting her, mike?" Tanong agad ni ivo habang nakakunot ang noo nito kay mike.
"Huh? Well.."
"Mauna na kami. May kailangan pa kasi kaming tapusin." sabay ngiti ko.
"Tapusin? Anong kailangan nyong tapusin?"
Sa akin naman dumako ang paningin ni ivo at kinikilatis ako. Napaurong ang dila ko at hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Amm.. ehh.."
Nagulat ako ng bigla nyang bitawan ang kamay ni miss raquel at hinila ako sa braso palayo kay mike. Sapilitan nyang kinuha ang mga rosas na hawak ko at basta na lamang hinagis sa lapag at hindi pa nakuntento ay inapakan nya pa iyon.
"Ivo!" sigaw ni miss raquel.
Napakagat ako sa labi ko sa sobrang inis. Hindi na ako nakaangal ng hilain na lamang ako basta nito. Yung hila na parang mababali na ang buto ko sa braso. Huminto kami sa harap ng kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Teka.."
"Get inside!" sigaw nito.
"Ayoko!" inis na sigaw.
"Get.Inside.Yulie."
Padabog akong pumasok sa kotse nya. Pumasok ito sa driver seat at agad nyang pinaandar ang kotse. Sobrang bilis.
"Mag papakamatay kaba ivo?!"
Pero hindi ako nito pinansin. Para itong bingi na akala mo ay walang naririnig.
"Ihinto mo ang kotse! Ayoko pang mamatay ivo!" inis na sigaw ko.
Makalipas ang ilang minuto na kakasigaw ko sa kanya ay ako na din ang huminto. Napaluha na lamang ako sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.