Matapos akong ihatid sa kwartong kinaroroonan ng katawan ni matt ay agad na nag paalam ang mga ito.
Naupo ako malapit sa kama ni matt. Napangiti ako ng mapait at nakaramdam ng lungkot sa aking nakikita.
Sa payat nyang iyan ay maraming nakakabit na kung ano-ano sa katawan nya.
Dahan-dahan kong inilapait ang aking kamay sa kanyang braso. Napangiti ako at naramdaman ang luhang pumatak sa aking pisnge. Agad ko iyon pinunasan at napailing.
Ilang oras pa akong nag stay doon ng marinig ko na may pumihit ng door knob. Napalingon ako sa likod ko kung saan nakalagay ang pinto at nagulat sa aking nasaksihan.
Anong ginagawa nya dito.
Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat at di nag laon ay pumasok ito at isinara ang pinto.
"What are you doing here, ms. larson?"
Agad akong na tauhan at tumayo. Lumapit naman sa akin ito at inilapag ang isang boquet ng bulaklak.
"Pinapabantay po kasi sa akin ni kuya ang kaibigan nila."
Napakunot naman ng noo ito at ngumiti din agad.
"Nice. Thank you."
Naupo kami parehas sa sofa habang nakatingin kay ivo.
"Kung hindi nyo po mamasamain, ano pong ginagawa nyo dito?"
"He's my boyfriend, miss larson."
"A-ano p-po?"
"I'm his girlfriend." sabay l8ngon nito sa akin at binigyan ko ng matamis na ngiti.
Napalunok ako sa aking narinig. Si matt may girlfriend? At si miss raquel?
Tama kayo.
Si miss raquel ang katabi ko ngayon.
Naramdaman ko agad ang kirot sa aking dibdib at napangiti ng mapakla.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat lang na maging masaya ako dahil nalaman ko na may girlfriend sya pero bakit ang sakit-sakit? parang hindi ko tanggap.
Kaya pala unang kita pa lamg nya ay na humaling na sya. Unang tagpo pa lang nila ni miss raquel ay na bihag na sya nito. Tama nga talaga ako. Ang utak nakakalimot pero ang puso, HINDI.
"Talaga po? Pwede nyo po bang makwento kung anong love story nyo?"
Gusto ko nang sapakin ang sarili ko sa aking sinabi.
Napangiti ito at tumingin muli kay ivo.
"Sa dalawang taon nya nang ligaw sa akin ay hindi nya nakalimutan na pasayahin ako. Ang sweet nya, sobra. Una, ayoko sa kanya dahil kilala ko syang playboy. Niligtas nya ako noon, sa bar..."
T-teka ito yung sinabi sa akin ni sash ah. Yung imbis na kay matt mag thank you dahil iniligtas sya ay kay ash pa sya nag thank you. Kaya, bakit ganun?
".. simula nun hindi na nya ako tinigilan. Araw-araw may rosas sa aking silya. Araw-araw gumagawa sya ng masasayang bagay na nag papasaya sa babae. Sa totoo lang ay ang swerte ko na eh. Dahil lahat ng katangian ng lalaking gusto ng lalaki ay nasa kanya. Pero sadyang hindi lang na tuturuan ang puso. Mahal nya ako habang ako ay may mahal nang iba.." malaungkot nitong saad.
So, sino yun?
"... hanggang sa masanay ako sa routine nya. Kita ko naman yung pag babago nya. Pero hindi parin nawawala yung pag kamanyak nya.."
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.