Nandito ako ngayon sa bench nakaupo. Katabi ko ngayon sila ran at danica. Wala daw silang klase dahil manonood daw sila ng mga mag peperform mamaya. So it means na lahat ng studyante dito ay manonood.Lalo tuloy dumagdag yung kaba ko dahil sa dami ng manonood. Nandoon din daw yung dad ni ran at ibang angkan upang manood.
"Ate, okey ka lang?" tanong ni ran.
"Hindi." naiiyak kong sabi.
"Inom ka muna, ate" sabay bigay sa akin ni danica ng tubig.
Binuksan ko naman iyon at uminom kaya lang ay parang hindi nabawasan ang nerbyos ko.
"Don't worry ate i-chechear ka namin ni danica mamaya. Wag kang kabahan dahil nandito lang kami!"
"Salamat sa inyo." nakangiti komg sabi.
Nag kwentuhan lang kami para makalimutan ko pansamantala ang kaba ko.
"Hi, miss."
Natigilan kaming tatlo ng may isang lalaki ang nasa harapan namin. Napaangat kami ng tingin dito.
"Para sayo." sabay pakita nito ng isang rosas na kulay pula.
Napakunot ako ng noo "Sa akin?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Yes."
Aabutin ko pa lang sana ang hatakin ni danica ang kamay ko at ibaba.
"Ate wag ka dyan mag papaniwala. Baka manloloko yan. Ibibigay sayo tas pag kinuha mo pababayaran."
Napatingin kami lahat kay danica.
"Seryoso?" tanong ko.
"Galing mo naman mag isip miss" sabi nung lalaki. "Inutusan lang ako kaya hindi ako manloloko. Pakitanggap na lang dahil gusto ko nang umalis."
Nang hindi ko tanggapin ay kinuha nito ang kamay ko at sapilitang inilagay yung rosas. Tumakbo na ito palayo kaya napatingin ako sa hawak kong rosas.
"Corny" bulong ni ran.
Matapos ng ilang oras ay nag puntahan na kami sa may court. May mini stage sa gitna at mukhang pinaghandaan talaga. Naupo kami malapit sa unahan at kitang kita sa ibaba ang mga upuan at may lamesang mahaba.
Nanliit ang mata ko ng makita kong pumasok si ivo at miss raquel. Magkatabi silang nag lalakad at naupo sa mahabang mesa.
Ilang saglit pa ay napuno na ang court. Lahat ng upuan ay puno na at huling dumating yung mga kamag anak nila.
"Tinatawagan ko po ang lahat ng mag peperform na mag tungo sa labas ng court." sabi ng mc.
Napapikit ako at tumayo. Nag paalam na ako sa dalawa at lumabas na ng court. Inasikaso naman kami ng mga ito. Mga nasa bente kaming studyante na kakanta sa stage at panghuli ako. Bawat minutong lumilipas ay ang pag kabog ng puso ko.
"Miss."
Napadilat ako ng mata at tumambad ang mukha ng isa sa mga mc na nag asikaso sa amin.
"Ikaw na ang mag peperform"
Sa sinabi nyang iyon ay napatayo ako ng wala sa oras. Pinunasan ko yung laway ako. Inayos ko saglit ang sarili ko bago kinuha ang gitara.
Sa sobrang tagal pala nakatulog ako sa upuan. Hindi man lang ako ginising.
Nakayuko akong umakyat sa stage at pumwesto. Nakayuko kong inayos ang gitara ko. Sinadya ko talagang tagalan dahil kinakabahan talaga ako.
"Go, ate yulie!"
Napaangat ako ng ulo at nakita ko sila ran at danica na nag chechear sa akin sa taas. Diko maiwasan ang hindi ngumiti.
"Go yulie! Go yulie! Go! Go! Go!"
Napalingon naman ako sa kabila at diko alam kung matutuwa ako o mahihiya. Paano ba naman kasi nakatayo sila kuya wren, ash, jasper at carl sa taas habang nag checheer.
Dahil doon ay nabuhayan ako ng lakas ng loob. Nag simula na akong mag strum kasabay ng pag tigil ng ingay.
i want you to stay, never go away from me.
Rinig ko agad na humiyaw ang mga manonood dahil sa aking boses.
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me againNapadako ang tingin ko kay ivo na ngayon ay nakatitig sa akin.
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?Mga salita na gusto kong sabihin sa personal pero idadaan ko na lang sa kanta.
And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold onNapapikit ako at muli kong sinariwa ang mga huling salitang binitiwan nya sa akin.
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again'Yul, I want to spare the rest of my time. Gusto kong ilaan ang buong araw na 'to sayo. Gusto ko magkasama tayong dalawa.'
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?"Ano ba yang sinasabi mo?" peke akong tumawa ngunit seryoso lamang sya kaya nawala ang tawa ko.
"Yul, natatakot ako. Natatakot akong masaktan kita. Natatakot akong maiwan kita. yul, nararamdaman ko na ito na ang huling beses na makakasama kita, na makakausap."
And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on"Yul, wag ka naman umiyak." narinig ko pang nag crack pa ang boses nito. "Nasasaktan din ako kapag nakikita kang umiiyak."
"Yul, kapag hindi kita na alala. Pwede bang tulungan mo akong maalala ang lahat?"
"Pwede bang wag ka nang umiyak dahil sa akin?"
"Pwede bang mag stay ka sa tabi ko kahit hindi kita kilala?"
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as staying with me?"Yul, i-i li--"
"Matt!" sigaw ko bago ako humarap sa kanya. "Mahal kita!"
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?Napadilat ako at hinayaang mag landasan ang mga luha sa aking pisnge. Nakatitig ito sa akin na katulad ko ay tinitignan din sya.
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
I want you to stay, never go away from me
Stay forever"A-ano? pwede bang pakiulit?"
"M-mahal kita----"
"Mahal din kita, yul."
"Hanggang sa muli, yul"
Napapikit muli ako at tinuloy ang huling strum. Pag dilat ko ay ang kasabay ng matapos ang pag tugtog ko. Rinig na rinig ko kung gaano kalakas mag sigawan ang mga studyante nang matapos ako. Napangiti ako ng mapakla bago tignan si ivo.
"Hanggang sa muli, ivo." mahinang sabi ko bago tuluyan akong bumaba sa stage.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.