Nandito na kami ngayon sa kwarto nya. Kasalukuyan akong nakatalikod sa kanya habang kimukuhaan ko sya ng pangtulog nya. Nakasimangot akong pumunta sa kanya at padabog na ibinigay ang susuotin nya."Kumpleto na ba yan?"
"Oo!"
Kinuha nya iyon at napakunot ng noo bago tumingala sa akin.
"Seryoso ka? Asan ang brief ko?"
"huh?"
"Yung brief ko sabi!"
Napakagat ako sa labi at gustong-gusto ko na syang saktan. Inis akong tumalikod sa kanya at bumalik sa kabinet. Kinuha ko ang underwear nyang puti at ibinato sa kanya.
"What the hell!"
"Bwisit ka!" sigaw ko.
Nag martsa na ako palayo sa kanya at nag tungo sa sofa. Pinatay ko na rin ang ilaw sa sala at tanging ilaw lang nya ang bukas sa kanyang higaan.
Nakakainis kasi sya. Tama nga ako ng hinala ko. Nilagay nya sa dragon nya yung kamay ko at ang malala ay naramdaman ko na tumigas yun. Pero ang pinakakinainisan ko ay yung pag ungol nya. Ramdam na ramdam ko talaga yung init ng pisnge ko sa ginawa nya.
Hihiga na sana ako sa sofa ng mapansin ko na wala pa pala akong kumot na dala. Napatingin ako banda sa pwesto ni ivo at dahil glass wall lamang iyon ay nakita ko syang nag bibihis ng shirt nya. Dali-dali akong humiga at tumalikod sa gawi nya.
Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig na tumatama sa aking balat.
Bahala na! Ayoko nang bumalik sa kwarto nya. Mas pipiliin ko na lang na tiisin yung lamig kaysa bumalik ako.
Never.
--
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot iyon. Naupo ako sa kinahihigaan ko habang humihikab. Pag alis ng kamay ko sa mata ko ay halos manlaki ang mata ko ng tumambad sa akin si.. ran?
Nakataas ang isang kilay nito habang nakakrus ang braso.
"Kamusta naman ang pag tulog, ms. slave?"
Kinapa ko pa ang mukha ko at bahagyang inayos ang buhok ko.
Mag sasalita na sana ako ng pigilan ako nito.
"Nevermind, mag toothbrush ka muna."
Napanganga ako ng iwan na ako nito. Napakamot ako sa ulo ko at dumeretso sa banyo. Binuksan ko ang maliit na kabinet doon at nakita ko ang mga toothbrush na nakastock. Kinuha ko ang kulay puting toothbrush. Sinimulan ko ang mag toothbrush at pag tapos ay nag hilamos. Ginamit ko na rin yung nakasabit na towel at isa lang ang masasabi ko.
Ang bango nya.
Lumabas na ako sa banyo at naabutan ko sa sala si ran at si danica. Nakaschool uniform silang dalawa kaya napatampal ako sa noo ko.
"Anong gusto nyong kainin?"
"Hindi kami kakain dito." padabog nitong sabi.
"Okey."
Naupo ako sa single na sofa at tinaasan naman ako ng kilay ni ran.
"Tell me about yourself"
"Kailangan pa ba?"
"Of course"
"Okey. Ako si Arra yulie larson but call me yulie."
"Wait, larson? Your last name is larson?" tanong ni ran.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.