Mabilis lumipas ang isang linggo. Parehas na namin tinanggap ni matt ang mangyayari. Nakausap nya pala ang matandang babae nung isang linggo.Matapos kong mag ayos ay tumambad agad sa akin si matt. Nakaupo ito sa kama at pinagmasdana ng suot ko.
"Ang flat mo talaga, yul." saad nito habang nakahawak sa kanyang baba at sinusuri ak--- este minamanyak.
"Maganda naman." saad ko at tumalikod na sa kanya.
Habang tumatagal ay nag bu-blurd na si matt. Minsan nga hindi na nya mahawakan ang ibang bagay. Tumatawa na lang sya kahit alam kong peke lang.
Sumakay na ako sa kotse ni kuya wren. Si matt naman ay nasa backseat at nakatingin lamang sa labas.
"Yulie."
Napatingin naman ako kay kuya. Seryoso naman syang nag dadrive.
"Bakit, kuya?"
"Hindi kita maihahatid mamaya."
"Bakit? Mag babantay ba kayo kay ivo?"
"Exactly, yes. Pero bukod doon meron din kaming gagawin."
"Ano yun?"
"Birthday nya ngayon. We want to celebrate it there. Every year lagi kaming mag kakasama tuwing birthday nya."
"Ahh.. s-sige" pasimpleng tinignan ko si matt sa front mirror ngunit para itong walang narinig.
"Ipapahatid na lang kita kay ash."
Napabaling kay kuya ang paningin ko.
"Huh? wag na kuya. Ako nang bahala sa sarili ko. Saka may gagawin din ako mamaya."
"Ano naman ang gagawin mo?"
Napaisip naman ako "May kailangan pa kasi akong basahin mamaya sa library."
"Really?"
"Oo."
"Tss.. Bahala ka. Basta tumawag ka sakin agad kapag nakauwi kana."
"Okey!"
Bumaba na kami sa kotse nya ng makapagpark sya. Nag paalam na ako kay kuya dahil saktong nasa parking lot ang mga kaibigan nya. Si matt naman ay nasa tabi ko lang kanina pa tahimik.
"Hindi mo man lang sinabi na birthday mo pala." saad ko.
"Hindi ka naman nag tanong."
Medyo nainis naman ako dito kaya nilingon ko sya.
"Kahit na! Dapat sinabi mo parin!" inis na sigaw ko.
Napatakip ako ng bibig ng makakuha ako ng atensyon sa mga studyante na nakatambay sa open space. Nakatingin ang mga ito sa akin habang nakakunot ang mga noo.
Agad akong napayuko at nag madaling nag lakad.
"Yul. I'm sorry."
Hindi ko sya pinansin. Nakarating na kami lahat-lahat sa room ay wala parin akong kibo sa kanya.
"Yul naman. I'm sorry. Ayoko lang na ma-abala ka pa. Makasama lang kita okey na ako."
Tumalikod ako sa kanya at doon ko na inilabas ang ngiti ko. Napawi lang ang ngiti ko ng pumasok na si miss raquel. Nakangiti ito sa amin gaya ng dati.
Maganda si miss raquel. Lahat ng babae ay maiinggit sa kanya. Maganda, sexy, mabait at matalino. Lahat na nang gusto ng lalaki sa babae ay nasa kanya na. Kaya maswerte itong si matt kay miss raquel dahil complete package na.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.