TMG24

1.1K 41 6
                                    


"Ikaw?!/ You?!"

Nakaturo pa ako sa kanya at nang medyo makarecover sya ay tinapik nya ang kamay ko at nilagpasan na ako.

Anong ginagawa nya dito?!

Agad ko syang sinundan pero napahinto ako ng umupo ito sa tabi ni ivo.

"Sino yung babae doon?"

Nakatalikod ang mga ito at sabay na humarap sa akin. Nag lipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi maaari! Bakit ngayon ko lang na pansin? Actually nung una pa lang na pansin ko kaso hindi ko lang naisip na ito pala yun.

So, ibigsabihin---

"She's my slave, darius." sabay talikod muli nito.

Kumunot naman ang noo sa akin ni darius at inismidan ako. Napaawang ang bibig ko at tumakbo sa harap nila. Tinitigan ko silang parehas at bahagya akong napatampal sa noo. Bakit ba ang bobo mo, yulie?

"Umalis ka nga dyan!" sigaw ni ivo.

"Ayoko"

"Stupid maid." bulong ni darius.

"Hoy anong maid? Hindi ako maid at hindi din ako stupid!"

"Pwede bang umalis kana lang dyan?"

"Aalis naman ako eh. Pero may itatanong lang ako."

"Ano? Dali!" atat talaga itong si ivo.

"Mag kapatid ba kayo?"

Nag katinginan naman ang dalawa at sabay na humarap sa akin.

"What you think?" sabay tanong nang dalawa.

Confirm!

"Now, umalis ka dyan dahil na nonood kami." saad ni ivo.

Napanguso ako at umalis sa harap nila. Nag tungo na lang ako malapit sa may pinto at nakangusong inilabas ang cellphone ko. Nag laro na lang ako ng candy crush para malibang ako kahit pa paano.

Kung hindi nyo natatandaan ay sya po iyong lalaki na dalawang beses akong muntik masagasaan. Sya din pala yung anak ng may-ari ng school. So, it means na si ivo ay anak din ng may-ari ng school? My gosh, bakit hindi ko na pansin na dawson din ang last name ni ivo at ni darius? Ay tanga yulie.

Napahinto ako sa pag lalaro ng kumulo ang tyan ko. Napatingin ako sa orasan at halos saktan ko na ang sarili ko ng alas syete na ng gabi. Kailangan ko nang mag luto ng dinner.

Nag tungo ako sa may kusina at hindi pinansin ang magkapatid na nanonood ng spiderman. Tahimik lang silang mag kapatid habang patay ang ilaw. Sinimulan ko na ang mag luto ng tinola. Meron naman din sayote 'to kaya okey lang. Papakinin ko parin sya ng gulay 'no!

Matapos kong mag luto ay saktong may nag doorbell. Deretso lang akong dumaan sa magkapatid at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang dalawang babae. Ang isa ay nerd at ang isa naman ay.. wait, may kahawig sya.

"Sino ka? Bakit ka nandito?" sabay taas ng kilay sa akin ng babaeng maputi.

"Huh? Kayo? Sino kayo?"

Tinaasan lang ako ng kilay nito at katulad ni darius ay nilagpasan din ako nito. Naiwan kaming dalawa nung nerd at nakipagtitigan sa akin. Mukha naman syang mabait kaya lang ay halatang nangingilatis ito.

"Hi, Ako nga pala si danica." sabay abot ng kamay nito sa akin at ngumiti.

Inabot ko agad ang kamay nya.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon