"Awwww shit!!" daing ni jasper matapos ko idiin ang bulak na may alcohol sa sugat nya sa gilid ng labi nya.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong sala. Si kuya wren gumagamit ng cellphone habang nakadekwatro, si carl nag lalaro sa tablet nya, at si ash naman ay nag lalaro mag isa ng chess.
Napadako ang tingin ko sa may bandang pinto. Nakakrus ang braso nito habang nakatingin sa ginagawa ni ash.
Nang maramdaman nya na nakatingin ko ay tinignan ako nito. Nag tama ang aming paningin at kumunot ang noo nya.
Ngumiti lamang ako sa kanya pero umismid ito at umiling tumuon ang pansin kay ash na busy makipaglaban sa sarili.
Iba rin trip nitong si ash eh. Naalala ko na naman yung natakot sya. Hahahaha
"aw aw! Shit! Dahan-dahan." daing na naman ni jasper.
Nailayo ko agad ang bulak na hawak ko at nag piece sign. Kinuha ko ang band aid at inilagay sa gitna ng ilong nya. Tinamaan din kasi ilong nya kanina buti na lang hindi malala.
Paano ba ako nandito?
Naabutan lang naman nila akong apat sa may entrance habang hawak nung tatlong guard kanina. Nakita kasi nila ako sa cctv na nakalagay pala sa may entrance kaya hinuli ako. Buti na lang at kilala itong sila kuya.
Buong byahe ako sinermunan ni kuya. Tama nga si ash. Parang nanay ko na sya kung magalit.
Kesyo baka mapahamak daw ako.
Si ash? Ayun sinermunan din. Haha
Panalo nga pala sila kanina sa laban. Lahat ng kalaban nila bagsak sa sahig.
"Ayan na. Ang ingay mo" saad ko bago niligpit ang kit.
Nag paalam muna ko saglit bago nilagay ang kit sa may kitchen. Napatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko silang nag uusap.
"So, how's ivo?" boses ni ash.
"Medyo bumalik um-okey na sya" si kuya wren.
"Visit him, ash. Baka na mimiss ka na rin ni ivo." rinig kong sabi ni jasper.
"Ayoko. Kahit gustuhin ko man natatakot parin ako na baka magalit sya. haha"
Napangiti ako ng mapakla sa aking narinig. Sa boses pa lang ni ash ramdam ko na nasasaktan sya.
"Dumalaw ka na, ash. Hinihintay ka lang ng kupal na yun." boses naman ni carl.
"Sige. Isang linggo na rin kasi akong hindi nag pupunta doon."
"ANOOOO?!!" sigaw nila kuya.
Napatampal naman ako sa aking noo.
"Bakit, akala nyo hindi ko talaga sya dinadalaw? Haha sa tatlong taon, isang beses ako sa isang linggo dumadalaw. Gago, kahit walang tiwala sakin yun sya parin yung gago kong kaibigan."
Matapos sabihin iyon ni ash ay wala na akong narinig na boses. Kahit na hindi laging seryoso si ash ay alam kong nalulungkot ito ngayon. Ganun ba talaga ang nya ituring ang kaibigan nya? na kahit wala sa kanyang tiwala na nanatili parin ang pag mamahal nya? Kung ganun, ang sarap pa lang maging kaibigan ni ash.
Huminga muna ako ng malalim bago mapag-desisyunan na mag lakad na patungo sa sala.
Naabutan ko sila na tahimik na at hindi nag kikibuan. Si matt naman ay nakatingin lang kay ash pero yung tingin nya ay kakaiba. Hindi katulad nung tingin nya noon na laging galit.
"Hindi pa kayo kakain?" pag iba ko ng topic.
Tumayo naman si carl kasabay ni jasper.
"Hindi na kami kakain dito." saad ni carl.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.