TMG39

1.1K 42 2
                                    


Nandito ako ngayon sa kwarto habang hawak ko ang diary namin parehas ni matt. Lumipas na ang dalawang araw at hanggang ngayon ay pinagiisipan ko parin kung anong gagawin ko sa hawak kong 'to.

Si ash naman ay mabuti na ang lagay. Nagising din sya agad nun pero parang wala lang sa kanya. Si miss raquel? hindi ko alam kung na saan na sya. Dahil matapos nung araw na yun ay hindi ko na sya nakikita. Hindi rin sya pumapasok sa school kaya medyo kinakabahan ako. Hindi ko pa sinasabi kayla kuya ang nangyari sa amin dalawa ni miss raquel.

*Tok!*

*Tok!*

*Tok!*

Napatayo ako sa upuan at inilapag ang diary sa study table ko. Pag lapit ko sa pinto ay binuksan ko agad iyon at mukha ni kuya wren ang tumambad sa akin.

"Yulie dali!" sigaw nito sabay hablot sa akin.

Parang naiwan pa ang kaluluwa ko sa bilis ng pag hila nito sa akin palabas ng kwarto. Tumakbo ito pababa habang hatak ako. Pag dating namin sa sala ay halos hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakita ko.

It was my mom and dad.

"Yulie." tawag sa akin ni mama.

Tuluyan na nag landasan ang luha ko sa pisnge at patakbong lumapit sa kanila. Niyakap ko agad silang dalawa ng mahigpit habang iyak ako ng iyak.

Matapos ang ilang oras na iyakan namin ay naupo na kami. Katabi ko si kuya wren habang nasa harap namin nakaupo sila mama at papa.

"Kamusta naman ang pag aaral mo dito anak?" tanong ni papa.

"O-okey naman po."

"Mabuti naman. May gusto kasi kaming sabihin ng papa mo." nag aalangan na saad ni mama.

"Ano po yun?"

"Gusto kasi namin na doon na tayo tumira sa states. May bahay at lupa na tayo doon. At yung business natin doon ay permanente na. Gusto namin na isama kana para naman hindi tayo nag kakalayong tatlo" saad ni papa.

May parte sa akin na masaya dahil mag kakasama na kami ngunit hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ayoko. Parang ayokong umalis dito.

"P-paano po ang pag aaral ko?"

"Ita-transfer ka namin yulie. May malapit din doon na school."

"G-ganun po ba? Alam na po ba nila tita?"

"Oo naman. Gusto pa nga nila na hintayin natin sila kaya lang ay ilang araw lang ang kailangan na day off namin ng papa mo dahil sa business natin."

"S-sige po. Kailan po ba tayo aalis?"

Nag katinginan naman sila mama at papa kaya lalo akong kinabahan.

"Bukas na anak." sabay na sabi nila.

Naramdaman ko ang pag hawak ni kuya wren sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin at niyakap ako. Unti-unti nang nag tubig ang mata ko sa nararamdaman ko.

"Iiwan mo na naman ako yulie." mahinang sabi ni kuya habang nakayakap ito sa akin.

"H-hindi ko naman gustong iwan ka kuya."

Humiwalay sya ng yakap sa akin at pasimpleng pinunasan ang luha nya. Natawa ako ng bahagya sa kanya kaya ginulo nito ang buhok ko.

"Mag ingat ka doon."

Tumungo naman ako kaya inakbayan ako nito.

"Kayo talagang mag pinsan. Hayaan nyo pag nakapagtapos kayong dalawa kahit anong araw pwede kayong mag kita" natatawang sabi ni papa.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon