Matapos ang klase ni miss raquel ay sinundan ito ni matt. Breaktime na ngayon at hanggang ngayon ay hindi parin sya nag papakita. Marahil ay nag kagusto iyon kay miss raquel.
Habang abala ako sa pag kain ko ay may umupo sa harapan ko. Napakunot ako ng noo ng makita ko ang isang lalaki na hindi ko kilala. Actually ay wala pa akong nagiging kaibigan dahil mailap ako sa tao. Hindi kasi ako palakaibigan at mahiyain ako.
"Excuse me, miss. Can i have a seat?"
Tumungo na lamang ako at muli kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi ko na pinansin ang presensya nito kahit na gwapo ito.
Matangos ilong, singkit ang mata, at mukhang mabait.
Matapos kong kumain ay hindi ko na pansin na wala pala akong tubig. Hinanap ko sa bag ko ngunit wala akong nakita ko.
"Here"
Taka akong napatingin dito at sa tubig na inaalok nya sa akin.
Itinuro ko pa ang sarili ko para mag tanong kung sa akin ba nya ibinibigay. Ngumiti ito at inilagay nya sa kamay ko. Bubuksan ko pa sana kaya lang ay bukas na ito at saka ko ininom ko.
"S-salamat" saad ko. "Bibilhan na lang kita"
Tatayo na sana ako ng pigilan ako nito sa braso.
"No, thanks. Meron akong extra dito." sabay pakita nya ng isang bote
Nangiti naman ako at muling nag pasalamat dito.
"By the way, My name is kashton nebber but call me ash" sabay lahad nito ng kamay nya.
Nag madali kong pinunas ang kamay ko sa palda ko bago ko iabot ang kamay nya kaya natawa ito sa ginawa ko.
"A-ako naman si Arra Yulie Larson , yulie na lang itawag mo sakin"
Natawa lang ito habang napapailing. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi nito binibitawan.
"Excuse me, okey ka lang?" pag putol sa kakatawa nya.
Ano bang nakakatawa sa ginagawa ko?
Umiling lang ito bago nya bitawan ang kamay ko.
"You really funny, yulie."
Uminom muna ito ng tubig nya at muling tumingin sa akin.
"Funny? Paanong naging funny ako?"
"Nothing" sabay iling nito. "So, can i have your number?"
"S-sorry kasi bawal"
"I really like you, yulie. i mean i really like your being innocent. Sa totoo lang ay nung nakaraan linggo pa kita na papansin. Pinagmamasdan lang kita sa malayo at napansin ko na wala ka pang kaibigan dito."
"Ah yun ba? Okey lang naman sakin walang kaibigan"
Ngumuso ito sa harap ko "Pero mas masarap parin ang may kaibigan."
"Hindi kasi ako palakaibigan. Boring akong kasama dahil hindi daw ako mashadong nag sasalita"
"Uhuh. really?"
"Mmm."
"But i want you to be my friend"
"A-ano kasi magagalit si kuya" dahilan ko.
"Okey." saad nito.
Para akong nakonsensya sa ginawa ko. Tatayo na sana ito para umalis ng pigilan ko sya sa braso nya kaya napaupo muli sya sa pwesto nya.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.