Maaga akong nagising at may ngiti sa aking labi. Matapos kong mag ayos ng aking sarili upang pumasok sa paaralan ay lumabas na ako sa kwarto. Saktong pag labas ko sa kwarto ko ay ang pag labas naman ng isang nilalang sa pinto ng kwarto ni kuya. Parehas pa kaming nagkatitigan hanggang sa ngumiti ito ng pilit sa akin."Good morning." saad ko saka sya ningitian.
Napakurap naman sya ng sunod sunod at napalunok. Dahan-dahan itong nag lakad patungo sa kwarto ko at sabay kaming bumaba.
"Papasok kana?" Tanong nito.
"Hmm.. oo. May tatapusin pa kasi kong report ko para mamaya." saad ko.
"Nag almusal kana?"
Umiling naman ako.
"Hindi na. Kailangan ko kasing maipasa yung report ko mamaya."
"Kumain ka muna."
Napatingala naman ako sa kanya ngunit nag iwas lamang sya ng tingin. Napangiti ako ng mapansin ko ang messy hair nya na lalong bumagay sa kanya. Nahalata naman nya ako kaya tinignan nya ako. Kumunot ang noo nya at nag salubong ng kilay.
"Tara, lulutuan muna kita" sabay hawak nya sa tuktok ng ulo ko at iginayak papuntang kusina.
"Lulutuan mo ako?" gulat na tanong ko.
Hindi ko kasi sya maintindihan bakit nya pa ako kinakausap. Sya naman ang nag sabi na hindi na kami mag uusap o mag kikita pero feeling ko iba ang nais nya sa kinikilos nya ngayon.
"Ayaw mo?"
Pinaupo ako nito sa upuan at nag suot sya ng apron. Tumalikod na sya sa akin at nag simulang mag luto.
'Shempre gusto ko ulit matikman luto mo'
Napangiti ako ng mapakla at nag halumbaba habang nakatingin sa kanyang likod.
'Maaalala mo pa kaya ako, matt?'
Matapos ng ilang minutong pag luluto nya ay inihain na nya sa harapan ko ang niluto nya. Kinain ko naman agad iyon habang sya ay pinapanuod ako. Natigilan ako sa pagkain ko ng may biglang pumasok sa kitchen.
Napatingin ito sa amin dalawa ni ivo habang nag lalakad patungo sa pwesto ko.
"Here. Baunin mo yan." sabay lapag ni ivo ng paper bag sa harapan ko bago lumabas sa kitchen.
Dali-daling naupo sa tabi ko si ash at sinuri ako.
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong nito habang kinakalitis ako ng tingin.
"Wala naman."
"Nilutuan ka nya 'no?"
"Oo, bakit?"
Matapos kong kumain ay nilagay ko na agad sa sink at ito naman si ash ay sumunod sa akin.
"Close pala kayo nun? Alam ko mahirap maging close si ivo."
"Aalis nako" paalam ko dito.
"Umayos ka, yulie. Kapag na huli ko kayo patay kayo sakin dalawa. May girlfriend si ivo."
Natigilan ako sa pag lalakad at nilingon sya.
"Alam ko. Hindi ko naman nakakalimutan iyon." sabay ngiti ko ng mapakla sa kanya.
Tuluyan na akong lumabas sa bahay. Nakasalubong ko pa si ivo sa gate pero nag deretso na lamang ako sa pag lalakad.
Pag karating ko sa school ay deretso agad ako sa library. Ginugol ko na lamang lahat ng natitira kong oras sa pag tapos ng report.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.