TMG8

1.8K 49 3
                                    


"Ala-ala? Ano yun?"

"This is not the right place to tell you."

Tumungo naman ako at sakto na pumito ang couch nila.

"Five minutes break!" sigaw ng couch nila.

Agad na nag tungo sa akin si ash at tumabi sa akin. Kinuha nya ang bag nya at tubig nya.

"Kamusta ang laro ko?" tanong nito matapos nyang uminom.

"Huh? Amm.. Okey naman."

"Hmm.. Nagugutom ka? may pagkain ako dito sa bag."

"tss" yung isang katabi ko.

"Ah hindi na! Ano kasi.. may kailangan pa pala akong tapusin."

"Importante ba? Hala sorry yulie kung nakaistorbo ako."

"Huh? Hindi okey lang. May ilang minuto pa naman ako para tapusin iyon."

"Gusto mo hatid kita?"

"Ah hindi na! Saka limang minuto lang binigay sa inyo ng couch mo kaya ko naman sarili ko."

Tumayo kami parehas ni matt at sinundan ako sa exit.

"Thanks sa panonood, yulie." nakangiti nitong sabi.

"Next time manonood ulit ako."

"No problem"

"Mauna na ako."

"Sige. Mag ingat ka, yulie."

Kumaway na ako sa kanya at nag lakad palayo. Nakasunod naman sa akin si matt habang nakabusangot.

Mahahalata mo talaga sa kanya na may galit sya kay ash. Mabait naman si ash pero bakit na gagalit itong si matt?

Nag tungo kami sa lugar kung saan kami nag kakilala. Ang lugar na saksi sa kababalaghan na ginawa ko.

Naupo muli ako sa upuan at sumandal muli si matt sa pader habang seryoso ang mukha nya.

"Yul. Gusto ko malaman kung sino ako. Gusto ko simulan na natin ang plano natin. Gusto ko na malaman kung anong meron ako nung buhay pa ako. Kung paano namatay. Kung saan ako namatay. I want to know everything about me, yul. Will you help me with that?"

Tumungo ako at ngumiti.

"Oo naman, matt. Tutulungan kita. Pero pwede bang sabihin mo sakin ang naalala mo?"

"Ah, yeah about that. Si miss raquel at ako mag kasama sa isang lugar. Masaya kaming dalawa habang nag uusap."

"Si miss raquel?"

"Yeah."

"Matt, paano ka na punta sa lugar na ito?"

"I don't know. Nakita ko na lang ang sarili ko na nandito na. Malinis ito noon hanggang sa dumihan nung mga lalaking tumatambay dito." inis na sabi ni matt at umayos ito ng tayo.

Nag tungo ito sa pader kung saan may mga nakasulat. hinawakan nya iyon at muling tumingin sa akin.

"At may babaeng nag pupunta dito at nag susulat. No. Babae at lalaki. Dalawa sila. Pero diko alam kung sino."

Tumungo naman ako at lumapit sa kanya.

"Sa tingin mo kasama ang mga iyon sa ala-ala mo? Ang hindi ko lang maintindihan bakit ka nandito."

"Yeah. We need to know kung anong meron sa lugar na ito sa akin."

Tumungo naman ako at tinignan ang mga nakasulat.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon