TMG5

2.3K 64 2
                                    

"Yulie"

Nabalik ako sa sarili ng tapikin ni kuya wren ang balikat ko.

"Okey ka lang?" tanong ni kuya wren.

Tumungo naman ako at pilit inalis sa isip si matt.

"Bakit nga pala kayo mag kasama?"

Umakbay na sa akin si kuya wren habang nakaharap kami kay Ash.

"Ikaw ba yung sinasabing kuya ni yulie?" tanong ni ash.

"Oo, bakit? Are you courting my little sister?"

Natawa naman si ash at napailing.

"Until now you still don't know me, wren larson?"

Napailing si kuya at inilagay nya ang kamay nya sa balikat ni ash.

"You still our bestfriend, ash. You still have not changed."

Teka.

bestfriend?

BESTFRIEND?!

"Of course." sabay tapik ni ash sa balikat ni kuya.

"When did you transfer here, ash?"

Napatingin ako sa gilid ko ng sumulpot si carl habang nakapamulsa ito.

Iba talaga datingan nito eh. Akala mo laging nag hahanap ng away.

"Last week lang"

"Are you still in red team?" tanong naman ni jasper at tumabi ito kay kuya wren.

"Yeah" malungkot na saad ni ash pero bigla rin syang ngumiti. "So, Hows your team?"

"Still good."

Napakunot naman ako ng noo dahil sa atmosphere sa paligid. Wala nang nag salita sa kanila at parang nag papakiramdaman pa. Bakit parang ang lungkot naman nila? ano bang meron?

"Mm. Good to hear." saad ni ash bago ito yumuko.

"Hahatid mo ba si yulie?" tanong ni kuya wren.

Tinignan ko naman si kuya wren ng wag-kang-pumayag look pero kay ash lang ito tumingin.

Nag angat naman ng ulo si ash bago ito ngumiti.

"Oo. papayag ka naman diba?"

Tinignan muna ako ni kuya bago ako itulak ng bahagya kay ash.

"Take care my little sister. Kapag may nangyaring hindi maganda dyan ako naman ang makakalaban mo" serysosong saad ni kuya.

inakbayan naman ako ni ash kaya sinamaan ko ng tingin si kuya wren.

"Of course. I will take care of her."

"Good. by the way, aalis na kami."

"Saan kayo pupunta kuya?" tanong ko.

"Basta"

"Anong basta?"

"Mahalagang bagay yulie"

"Mahalagang bagay? Mas mahalaga ba sakin kaya pinapamigay mo ko?" nakanguso kong tanong

Natawa naman si kuya wren habang napapaiking bago lumapit sa akin at hinawakan ako sa uluhan.

"Alam kong ligtas ka kay ash. Sobrang laki ng tiwala ko dyan kaya sya muna bahala sayo."

"Matagal pa ba yan?"

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon