Natigilan kami parehas ni matt sa pag lalakad at napanganga ako ng matanaw ko ang kotse ni ash na nakapark malapit sa amin kinakaroonan.Nag lakad kami palapit sa kotse at nakita ko ang iba't ibang mga sasakyan. Mas marami ang motor kesa sa mga kotse.
Napasara ng kamao ko ng makita ko ang kotse ni kuya wren na nakapark din. Nag lakad pa kami ng ilang saglit at nakita namin ang isang building.
Rinig na rinig ko sa kinakaroonan ko ang hiyawan ay sigawan ng mga tao. May boses pa akong narinig galing sa mic.
Lumapit kami ni matt sa may entrance kaya lang ay may humarang na sa akin na tatlong lalaking malalaki ang katawan may mga dalang armas.
Nanginig ako sa aking kinakatayuan ng humarap ang mga ito sa akin habang nakasabit ang armalite nila sa kanilang katawan.
"What are you doing here, miss? " tanong ng isa habang nakakunot ang mga noo nito.
Nakatitig lamang ako sa mga armalite nito at feeling ko ay maling galaw ko lang ipuputok na nila sa akin iyon.
Ano ba ang napasok mong gulo, yulie?
"Amm -- a-ano kasi m-may p-pupuntahan lang ako."
"Pupuntahan? sino?"
Tumingin na ako sa mga mukha nito habang ang mga palad ko ay nag papawis sa sobrang kaba.
"K-kuya ko."
"Sino kuya mo?"
"S-si wren."
"Bawal. Umuwi ka na lang bata." tinalikuran na ako ng mga ito kaya napalakad ako palayo sa entrance.
"Wag ka na kasing tumuloy" sabay sulpot ni matt sa tabi ko.
"G-gusto ko lang naman na masiguradong okey si kuya wren" hindi ko alam pero naramdaman ko na lang ang pag patak ng mga luha ko sa pisnge.
Agad kong pinunasan iyon ngunit huli na. Nakita na ni matt na umiiyak ako kaya nataranta ito. Hinawakan nya ang magkabilang pisnge ko at itinangala sa aknya ang mukha ko.
"Shhh.. okey. Makinig kang mabuti sa akin, yul." huminga muna sya ng mabuti bago mag salita. "Akong bahala sa tatlong iyon. Kapag sinenyasan kitang pumasok, pumasok ka agad at kumanan ka. May makikita ka doon na dalawang likuan, kumaliwa ka naman. May pintuan ka makikita doon, hintayin mo ko."
"T-talaga? pa-paano mo nalaman?"
Napakunot naman ya ng noo at niyakap ako kaya sumubsob ang mukha ko sa dibdib nya.
"Ewan. Kusa lang lumalabas sa isip ko eh. Pero feeling ko kabisado ko talaga ang lahat ng pasikot-sikot dyan sa loob."
Tumingala naman ako at ngumiti.
"Tara?"
"Hinatayin mo ko, yul. naiintindihan mo ba?"
Tumungo muli ako at hinagkan muna nya ako sa noo bago mag laho.
Nag tago ako sa may puno na malapit lamang sa entrance. Kitang-kita ko mismo na sinuntok ni matt ang isa sa may bandang likod kaya napatingin itonsa kasamahan nya at sinisi ito. Ilang saglit pa ay medyo napalayo ang tatlo at nag babangayan na. Nag tuturuan na ang mga ito kung sino ang sumuntok.Nakita ko na sumenyas sa akin si matt kaya tumakbo agad ako papasok.
Katulad ng sinabi ni matt ay kumanan ako. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa kumaliwa ako. Ilang takbo lamang ang ginawa ko ng makita ko na yung pintong sinasabi ni matt.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.