*Tsup*Naalimpungatan ako nang may maramdamn akong malamig na dumampi sa labi ko. Hinayaan ko na lang ito at tumagilid ng higa.
*Tsup*
Napahawak ako sa pisnge ko at unti-unting dumilat. Nang luminaw na ang mata ko ay agad akong napatakip ng unan sa mukha.
"Matt! Anong ginagawa mo sa tabi ko?" inis na tanong ko.
Paano ba naman kasi nakahiga ito sa tabi ko habang pinapanood akong matulog. Nakatukod pa ang siko nya habang ang ulo naman nya ay nakapatong sa kamay nya at mukhang enjoy na enjoy sa panonood sa akin matulog.
Paano na lamg kung may panis na laway ako? Paano kung may malaki akong muta? paano kung nakanganga ako matulog?
Ahhhh Nakakahiya!
"What? I'm enjoying the view, yul." natatawang saad nito.
Naupo ako sa kama at tumalikod sa gawa nya.
"Maliligo nako." paalam ko.
Tumayo na ako at bubuksan na sana ang pint9 ng sumulpot ito sa harap ko.
"Ipaghahanda na kita almusal. Nakaalis na rin kasi kuya wren mo."
"Huh? Saan pumunta?"
"Ewan. Nag iwan sya ng sticky note sa ref kanina at sabi nya mauna na daw sya umalis."
Tumungo naman ako kaya nag laho na ito sa harap ko. Nag madali akong naligo at bumaba sa kitchen.
Naabutan ko si matt na abala sa pag lagay ng plato sa lamesa kaya napangiti ako at naupo.
Hindi ko akalain na may multo na nakakahawak ng bagay-bagay.
*Plaakkkkk*
Gulat akong napatingin sa na basag na baso ni matt. Agad akong lumapit doon ngunit pinigilan lamg ako ni matt.
"Ako nang bahala dito, yul. Kumain ka na doon."
Nakayukong saad nito habang pinupulot nya ang mga bubog.
"Matt...."
"It's okey, yul. Baso lang 'tong tumagos sa akin."
Tumungo ako at dumeretso sa lamesa. Kitang-kita ko kung paano na hulog sa kamay nya ang baso. Kung paano tumagos sa kamay nya at na hulog sa sahig.
Natatakot ako.
Matapos ko kumain ay umalis na rin kami ni matt sa bahay. Nakasunod lamang ito sa gilid ko at tahimik na nag lalakad.
"Okey ka lang?" tanong ko habang nakayuko.
Hindi pa naman kami nakakalabas sa subdivision kaya wala pang mga tao sa paligid.
"Oo, naman. Bakit?" saka nya ako binalingan.
"Wala lang. Mukha kasing malalim ang iniisip mo."
Ngumiti sya ng tipid bago tumingin sa daan.
"Don't worry about me, yul."
"Kapag may problema ka nandito lang ako, matt. Katulad nga ng sinabi ko.. tutulungan kita."
Napatingin sa akin si matt bago ngumiti.
"Thank you, yul."
Ilang lakad na lamang at malapit na kami makalabas sa sub. natigilan akong mag lakad ng magawi ang paningin ko sa may park. May matandang babae ang nakatingin sa gawi ko habang masama ang tingin sa akin. Nakasuot ito ng itim at may balabal na nakatakip sa ulo nito.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.