TATLONG araw na ang lumipas nang makauwi kami dito sa states. May restaurant kami dito at tumutulong naman ako kila mama. Hindi naman ganun kalaki ang business namin pero marami kaming customer.It's my birthday today pero walang ivo na nag pakita sa akin. Sila kuya ay hindi daw sya makakapunta dahil may laban sila sa basketball at sure akong kasali si ivo doon.
Kinuha ko ang order ng isang customer at nag lakad patungo doon.
"Here's your order, maam" sabi ko sabay ngiti doon.
Ngumiti naman ito pabalik saka ko inilapag ang order nya.
"Enjoy your food" sabi ko pa bago bumalik patungo sa counter.
"Malungkot kaba dahil hindi nakapunta si kuya wren mo?" pang aasar sa akin ni mama.
"Hindi po, mama." sabi ko.
"Ikaw naman kasi bakit ayaw mo handaan ka namin ng papa mo" sabi pa ni mama "Isang beses ka lang mag dedebut pero hindi kapa nag pahanda sa amin ng papa mo" pag hihimutok ni mama habang nag pupunas.
"Alam nyo naman po na hindi ako nag hahanda eh."
"Bakit malungkot ka?" pinanliitan naman ako ni mama ng mata "Dahil ba kay ivo?"
Napatingin agad ako kay mama at umuling agad.
"H-hindi po ah" sabi ko.
"Aysus" sabay iling nya "Hindi ka na nya pupuntahan, yulie. Ang lalaki magaling lang sa salita yan pero hindi marunong tumupad"
Bigla naman lumabas si papa galing sa kitchen "Anong hindi? Hindi ba sinabi ko na dito tayo titira? Tignan mo nandito na tayo" sabat naman ni papa "Nako yulie wag ka makinig sa mama mo. Ang totoong lalaki tumutupad sa pangako. Kung mahal talaga nya ang babae, tutupad sya sa pangako nya" napapailing na sabi ni papa bago muli pumasok sa kitchen.
"Sige na hayaan mo na ang papa mo" natatawang sabi ni papa "Palitan mo na ang sa labas dahil mag sasara na tayo"
Tumungo naman ako kay mama at nakayukong nag lakad. Lumabas ako sa pinto at pinalitan na iyon ng close.
Alas onse na rin pala ng gabi hindi ko man lang namamalayan ang oras. Napayakap ako sa aking sarili ng umihip ang hangin. Agad akong pumasok sa loob habang yakap ang sarili.Hindi parin talaga ako sanay sa lamig dito sa states. Mas gusto ko parin ang klima sa pilipinas keysa dito.
"Teka, sarado na tayo bakit may pumasok pa" takang sabi ni mama at nakatingin banda sa likod ko. "Napalitan mona ba ang nasa labas, yulie?" tanong ni mama sa akin.
Tumungo naman ako sabay lingon sa likod ko. May ilang kumakain pa pero napadako ang tingin ko sa taong nakaupo sa may dulo. Nakahood ito at nakamask, nakasuot din sya ng itim na jacket at mukhang lamig na lamig.
"Baka oorder sya ng kape mama dahil sa lamig sa labas" sabi ko.
"Sige na kunin mo na ang order nya mukhang kawawa naman eh" sabi ni mama.
Kinuha ko naman agad ang menu at dumertso sa dulo.
"Excuse me po, welcome to Lay's cafe.
Here's our menu for today" sabi ko.Napakunot naman ako ng noo ng hindi ito kumilos.
"Are you alright, sir?" tanong ko at yumuko ako upang tignan ang mukha nito. "Do you want some coffee, sir?" tanong ko pa.
"I want you" mahinang sabi nito.
"Ah okey sir, i'll be back in a minute to take your order" sabi ko at tumalikod na sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.